Chapter. 16

803 50 1
                                    

Ellaine POV

Maganda ang gising ko ngayon. Kasalakuyan akong naghahanda ng umagahan.

Tinanong ko kasi kay Haword, kung uuwi si Abrian.

Uuwi si Abrian at ngayon ko na uumpisahan ang panliligaw ko.

Habang hinahanda sa lamesa ang mga niluto ko ay hindi ko maiwasan ang kumanta.

"She looks like a blue parrot
Would you come fly to me
I want some
Good day, good day, good day
Good day, good day
Looks like a winter bear
You sleep so happily
I wish you a
Good night, good night, good night
Good night, good night"

Napalingon naman ako sa kumanta at nakita ko si Abrian nakasandal sa pader.

"Imagine your face
Say hello to me
Then all the bad days
They're nothing to me
With you"

Napalunok naman ako dahil papalapit siya ng papalapit sa 'kin.

"Winter bear"

Nilagay ni Abrian ang buhok ko sa likod ng aking tenga.

"Sleep like a winter bear"

"Sleep like a winter bear" kanta ko habang nakatingin sa kayang mata

"Palakpakan"

Mabilis na tinanggal ni Abrian ang kanyang kamay sa aking pisngi at sabay kaming tumingin sa nagsalita.

"Ang romantic naman ng concert ninyo A at Ellaine" birong sabi ni Fuzzy

"Palakpakan" sabi ni Kian

Agad naman pumalakpak sina Kian, Fuzzy, Haword at Irwin samantala si Gian ay seryosong nakatingin sa 'min.

"Hindi ninyo sinabi sa 'min na may pa-free concert kayo dito sa kusina" natatawang sabi ni Irwin

"Kumain na nga lang kayo"

Napatingin naman ako kay Abrian dahil sa sobrang seryoso niya.

Umupo na sina Gian, Kian, Haword, at Irwin sa kanilang upuan.

"Sleep like a winter bear" kanta ni Fuzzy

Binato naman siya ni Abrian ng sobrero.

"Gusto mo bang palabasin kita ng bahay F?"

"Ito naman si A, galit agad na pakanta lang ako" dahilan ni Fuzzy

Umupo na rin si Fuzzy sa kanyang upuan.

"Sumabay ka na rin sa 'min Ella"

Tumngo at ngumiti ako kay Abrian.

Aminin ko, kinikilig ako sa pagkanta ni Abrian. Akalain mong alam niya pala ang kantang 'yon.

Pagkatapos kumain ay hinugasan ko na rin ang mga pinag-kainan bago ipagpatuloy ang paglilinis sa gawaing bahay.

Ilang minuto ang nakalipas sa paglilinis ay sa wakas natapos rin ako.

Papunta ako ngayon sa sala, katatapos ko lang maligo at mag-ayos ng sarili.

Napangiti ako na makita si Abrian na nanonood ng movie sa sala.

"Gusto mo ba ipagluto kita ng popcorn Sir?"

"Busog pa ako" sagot niya habang nasa tv pa rin ang atensyon niya

Pumunta ako sa likod niya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Anong ginagawa mo?"

Don't Break the Rules of a MafiaDonde viven las historias. Descúbrelo ahora