Chapter 31

4 2 0
                                    

RAIN RAIN SHOULD YOU GO AWAY?

"Ate may pasok pa ba neto? Ang lakas ng ulan eh" kamot ulo kung reklamo kay ate habang nakadungaw sa bintana ng bahay.

"Aba malay ko kahit anung lakas pa yan ng ulan may pasok kami dahil college" nakangiwi niyang sagot.

'Hays'

Umupo muna ako sa sofa at kinuha ang laptop para mag open ng social media para malaman kung suspended o hindi ang pasok.

Ngunit ni isa walang naka post tanging

'Cold days ramdam na simoy ng pasko.'

'Kasing cold ng convo niyo ang panahon'

Eh?

Agad kung kinuha cp ko para matawagan si Judy.

(Beh napatawag ka?)

(May pasok?) wala ng gpod morning basta ganun agad.

(Oo baket? Ayaw mong pumasok?)

(Ays akala ko wala sige bihis na muna ako) at pinatay ang tawag.

Malas naman oh akala ko whole day nalang akong magkukumot at manonood ng movies. Tsk

"May pasok ka?" Tanong ni Mommy ng makasalubong ko siya sa hallway.

"Oo eh" sagot ko at humalik sa pisngi niya bago bumaba sa garahe para sumakay na ng sasakyan at magpahatid sa school.

Hindi pa naman bumabaha ang mga kalsada pero grabe ang buhos ng ulan at nakakatakot na siya kasi baka biglang tumaas ang level ng tubig at bahain kami.

"Tawag ka nalang mamaya iha kapag magpapasundo ka kung sakaling ma suspende pasok nyu" habilin ni manong habang pababa ako sasakyan.

"Opo manong sige po" at isinara na ang pinto.

Agad kung kinuha ang payong sa bag ko ng malapit na akong tumawid sa crossing ng building.

Nasa gitna na ako ng pedestrian ng may malamig na kamay ang humawak sa balikat ko. Pagtingin ko si Kimuel na parang kambing na giniginaw.

"Asan payong mo?" Tanong ko pero di siya sumagot.

Naalala ko lalaki pala siya hindi marunong magdala ng payong kakaunti lng ang ganun tsk.

"Bilisan mo na pati ako giniginaw sayo eh" pagrereklamo ko dahil ramdam ko na panginginig niya at pati ako nanginginig na den.

Binilisan namin ang paglalakad papunta sa entrance ng  building at doon na iniwan ang payong na aming ginamit. Pinakita namin ang ID namin at diretsong lakad papunta sa second floor.

"Do we have assignments?" Pag uumpisa niya ng topic.

Kumibit balikat lng ako, lalo na't mukha niya ang unang bumungad saakin ngayon. Di niya ako pinatulog kagabe dahil sa inis dyusko mukha niyang umiikot ikot lng sa ulo ko.

"Hey" he snapped his fingers that made myself back to reality.

"Pardon?"

KIMUEL DUANE's GIRLWhere stories live. Discover now