Chapter 23

7 2 0
                                    

A GOODBYE FOR NOW
(LOOKING BACK)

Kung gaanu kaganda ang mga talang nagsiningning sa kalangitan. Ganun naman kapanget ang aking nararamdaman.

Nasa veranda ako ng kwarto ko nakatingala sa kalangitan, hinihintay ko na baka sakaling may dumaan na shooting star at sana makahiling ako.

Kahit hindi na ako makakita pa muli ng shooting star basta ngayon makakita ako.

Hihilingin ko na sana

"Wag nalang sana umalis si French" mahina kung sambit.

Patuloy paring nakatingala, kasabay ng pag ihip ng hangin ay ang pagtulo ng butil ng tubig mula sa mata ko.

Mag aalas dose na ng madaling araw pero ako nandito parin at nagsesenti.
Hindi ko kasi maiwasan na hindi malungkot sa tuwing naiisip ko na aalis si French, naiisip ko pa nga lang naluluha na ako anu pa kaya pag harap harapan ko ng nakita na umalis siya.

Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at humiga sa kama.

Hinihimas himas ko ang buhok ko ng masagi ng kamay ko ang cellphone ko, muntik na ngang mahulog.

Kinuha ko iyon at binuksan, hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa GALLERY ng phone ko.

Pinindot ko ang folder na puno ng mga masasayang alaala namin na para saakin mahirap kalimutan at masakit sa damdamin kapag iniisip kung buburahin ito.

Bumungad saakin ang mukha niyang may pintura noong sumali siya sa Color Fun Run ng campus. May braces pa siya dito,...

"Ih! Oh! Kilala mo yun ha?" Tanong ni bes.

"Asan?" Tanong ko ininguso naman niya ang poging nasa harap namin.

At pogi nga....

Tamang tama lng hawak ko ang DSLR Camera ko kaya kunwaring may tinitingnan ako pero.. *Click!* (Captured).
Nakangiti siyang nakikipagkwentuhan l, nakaharap siya sa direksyon namin.

"Isa lng masasabi ko ang ganda ng view na to" mahina kung sambit at iniswipe papunta sa susunod na larawan.

Naka tuxedo tapos nakahawak sa pulsuhan, na kunwaring nagbubutones. Council Rep.

"Kyaaahh bakit ba ang gwapo mo!!!!!!" Sigaw ng babae sa harap ng bulletin board. Kasalukuyan ako noong naglalakad papunta sa next subject ng mahagip ng mga mata ko ang gwapo niyang mukha.

After class dumaan ako ulit at walang tao, dali dali kung hinablot ang larawan mula sa pagkadikit sa bulletin board at itinago sa bag ko, pagdating sa tahimik at walang taong lugar pinicturan ko iyon at pagkatapos ibinalik ko din naman yun doon...

"Ang abnuy ko" natatawa kung sabi. Swipe ulit.

Tapos iniswipe ko ulit, doon ang picture namin noong una niya ako napansin, yung street food eating eck eck namin.

Ang una naming kulitan, asaran. At una niyang halik sa akin sa NOO.

Picture naming nakaupo sa damuhan ng park na yun.

Ako na nakangiti sa camera at siya na nakatingin sa ibang direksyon. Sa akin, direksyon ng kanyang mata na nakasentro saakin.

KIMUEL DUANE's GIRLWhere stories live. Discover now