Chapter 16

5 1 0
                                    

JUDY'S AGONY
(Suicidal)


"Let me explain,please" pakiusap niya. Halos lahat na ng tao ay nakatingin saamin.

"Harvey please lang, ayaw ko ng eskandalo" mangiyak iyak kung sabi sa kanya.
Tiningnan niya ako ng seryoso at bumuntong hininga.

"Kung ayaw mo ng eskandalo, pwes kausapin mo ako at pagpaliwanagin sa ginawa ko." Saad niya.

"Wala ng kwenta!" Sigaw ko.

"Anu!?!" Taka niyang sagot.

"Sabi ko wala ng kwenta ang pagpapaliwanag mo, dilat ang mga mata ko, bukas ang mga taenga ko. Hindi maipagkakaila na saksi ako sa kagaguhang ginawa mo! Nag aaksaya ka lng ng oras mo na magpaliwanag  sa akin bumalik ka na kay IC, Harvey" Wika ko at tumalikod agad.

Unang apak nag umpisang tumakas ang mga luha ko.

"Judy!" Sigaw niya.

"Judy, please let me explain!" Sigaw pa niya ulit.

Binalingan ko siya. Ganun nalang ang pag laki ng mata ko ng makita ko siyang nakaluhod na. Nakatingin ang halos lahat ng mga estudyante. Iniisip ng iba na tanga siya, na nawala na sa sarili.

Hindi ko siya pinansin humarap ako ulit at pinagpatuloy ang paglalakad.

Bumuhos na ng sobra ang luha ko.

Ang sakit pala ng pakiramdam na minahal mo pero ginawa ka lng g*go.

Akala ko ako lng yun pala ako ang reserba.

Ang tanga ko, sobrang tanga, sobrang tanga...

Pinahid ko ang mga luha ko. Pinilit kung wag na umiyak pero tumatakas padin ang mga luha ko.

Lumingon ako sa pwesto niya.

Doon pa din siya nakaluhod at may mga takas na luha na dumadaloy sa pisngi niya.

"Hindi na ako ulit  magpapakatanga sayo, hindi na" saad ko sa sarili ko.

Mas pinili ko nalang umuwi para doon ibuhos ang lahat ng emosyon na nasa loob ko.

Dumating ako sa bahay na walang kabuhay buhay. Nakaupo si mommy sa couch habang nagbabasa ng brochure. Naramdaman niya ang presensya ko agad siyang tumingala.

"Hey baby, hows school?" Tanong niya. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi.

"Fine" tipid kung sagot.

"So what does it mean? Fine means what baby?" Tanong niya.

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Looks like my moms radar is so strong to detect how I feel right now.

"I dunno" sagot ko..

"Hindi ka ba pinansin ng crush mo?" Tawa niyang tanong.

Yes I'm open with my mom kaya alam niya na may crush ako. I tell her every secrets I have, every pain I feel she join me with.

But right now I want to be alone. I'll solve my problem by my own.

"Hindi ko nga po siya nakita eh, baka nakipaglampungan sa iba" natawa ako ng peke sa sinabi ko.

KIMUEL DUANE's GIRLWhere stories live. Discover now