Chapter 32

8 1 0
                                    

GOOD MORNING

Nagising ako sa kalansing ng sandok at kawali ata dahil sa amoy ng bawang at sibuyas na ginigisa. kinusot kusot ko nalang muna ang mata ko at bumangon. Pumasok ako sa banyo at nagsuklay suklay tsaka mumog. Di ko pa naman bahay tung tinulugan ko hello, nakakahiyang humarap na sabog ang mukha ko at may laway pa. Tinirintas ko ang aking buhok at tiningnan ang kabuuan kung.... di ko alam kung anong katawan meron ako. umiikot ikot pa ako sa harap ng salamin.

"Kakain ka lng naman, di mo kailangang magpasexy pa ano." napahinto ako ng magsalita si Kmuel mula sa likod ko. Nakasandal siya na nakakrus ang kamay na nakatunghay saakin..

"Oh nariyan ka pala.. Di ka manlang kumatok o anu" aniya ko.

"Akala ko kasi natutulog ka pa den kaya hindi na ako nag abalang kumatok pa" sagot niya.

Nakangiti siya habang pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan. Agad kung tinakpan ang katawan ko at pinukol siya ng masamang tingin.

"Nangmamanyak ka na naman Kimuel, maghanap ka nalang ng ibang babae, wag ako ah" at inirapan siya.

"I just want to look at you, hindi ka naman pala mukhang plywood sweetie" nakangisi niyang sabi.

"Bowset ka, haler kahit panget tung mukhang to, eh hindi din naman ako pinagkaitan na katawan na meron ang iba nuh"

Nangunot ang noo, namalayan ko nalang na nasa harap ko na siya at ganun pa din ang mukha.

"Baket?"  Tanong ko dahil sa mukha ko lng naman siya nakatingin, may scanner ba mata niya na?

"Who said that your ugly?"
I didn't answer instead nakipaglaban ako ng titigan sa kanya.

"Kahit bulag maappreciate at mamangha sa ganda mo, M. Ni bahid ng kapangitan ay wala sayo eh. Sabihin mo pang panget ka makikita mo kapalaran mo"  napamaang ako sa sinabi niya pero natutunaw na ako sa mga titig niya.

"Alis nga jan" tinulak ko siya ngunit nasalag ng mga kamay niya ang braso ko.

"Tss you're sometimes like a snail pag hindi inapakan hindi makakaramdam" sabi niya pa habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

"Ano ba! Diba may pasok pa tayo tsaka wala akong uniform dito kailangan ko pang umuwi" pag aarte ko.

"Tss fine" binitawan na niya ako pero...

Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng dampian ng mga malalambot niyang mga labi ang pisngi ko.

'The.. F' pabulong kung usal.

"Namula ka niya yan tara kain na, ihahatid kita sa inyo pagkatapos"

Tiningnan ko lng siya.

How could he? Ang lakas ng tama niya ngayon.

"Oy!" Pagtawag niya ulit saakin.

Kahit may pag aalinlangan eh hinakbang ko ang mga paa ko papunta sa mesa kung saan may nakahanda ng fried rice na umaalingasaw ang bango ng butter at garlic. Tska scrambled eggs na may halong kamatis. Ginisa sa kamatis kumbaga.

Marahan akong umupo at pinatihaya ang plato at kumuha ng kaunting kanin at kaunting ulam.

"Yang lang kakainin mo?" Tanong niya ng tapos na akong kumuha.

"Mm bakit?"

"Tss hindi ka naman mabubusog niyan eh" pag aalma niya, agad siyang tumayo at nilagyan pa akong kanin at ulam.

KIMUEL DUANE's GIRLWo Geschichten leben. Entdecke jetzt