CHAPTER 1

44 11 0
                                    

Maganda ang gising ko, maaliwalas ang panahon at walang malas.

Pagpasok ko ng campus nakita ko agad ang mga estudyanteng nagbabasa, nagkukuwentuhan, at nakikipaglandian.

Nasa gitnang bahagi na ako ng hallway ng makita ko ang mga kababaihan na tumatakbo papunta sa direksyon ko.
Parang nasa marathon pa ang iba kasi nakikipag unahan.
Anu kaya problema ng mga to?

"TABIIIII!!!!!!!!" matinis na sigaw ng isang babae .

Bago pako makailag nabunggo na niya ako.

"Sinabi kung tabi, pero di ka tumabi, bingi ka ba?!? Kita mo tuloy nadumihan damit ko" inis niyang sabi.

"Sorry" sabi ko. Habang pumapagpag siya ng damit niya.

"Waaahhh nahuli na ako!!!!" Sigaw niya sabay takbo sa direksyon ng mga babeng nagkukumpulan.

Gusto ko din malaman kung anung meron dun.
Kaya nakisiksik din ako dn sa mga babae.

Pagtingin ko may magarang sasakyan na pumarada sa harap namin, bumaba ang driver tapos pinagbuksan ang nakasakay.

"Kyaaaaahhhhhh!!" Sigaw ng mga babae.

Aba akala ko naman si Enrique Gil
Yun pala si Kimuel Duane Melendrz lng pala. Tsk.

"Akin ka nalang!!!"
Eh?
"Kimuel Anakan mo ko!!" Aba junior highschool palang to ah, ang landi ni ateng.

Hindi ko kaya ang init at tensyon kaya bumalik na ako sa likod ng mga kababaihan.

May biglang humila saakin.
Napamulagat ako kung sino.

"Oy best" sabi ko sa humila saakin.

"Best ginagawa mo dun?"

"Kumuha ng ayuda best, joke lng naki usyoso kung sino akala ko panaman si Enrique Gil"

"Ay asa ka kita mo naman sa speech ni Kimuel nung last year's prom na siya ang pinakagwapo dito , so tabla si Enrique Gil pagtumapak sya sa campus" sagot ni Judy

"Oo nga nuh tara pasok na tayo"

"Oy baka may gusto ka dun sa Kimuel na yun Margaret ha, wag na wag mong susubukan kundi F.O Tayo." Sabi ni Judy.

"I knew it Judy wala akong gusto sa unggoy na yun nuh kahit attraction wala akong nararamdaman alam mo namang loyal ako kay French baby ahahah" sabi ko sabay rin kaming tumawa

"Hayz basta promise hindi tayo mahuhulog sa patibong ni Kimuel "

"Promise best"  

"Sige paanu mauna na ako bye best" nagbeso lng kaming dalawa at pumunta na sa sariling mga classroom.

A/N: annyeong hope you like po ang first chappy ng story ko🙂.

KIMUEL DUANE's GIRLWhere stories live. Discover now