Chapter 10

38 9 1
                                    

"Yhumie! Sabay na kayo samin mag lunch!" pag-aaya ni Angella kay Yhumie kasama ang kanyang pinsan na si Phillip.

"Ayos lang ba na sumabay kami sa inyo?" maayos siyang sumagot matapos maayos lahat ng gamit at kami'y nginitian. Ang kaniya namang kapatid ay kay Anne lamang nakatingin at nginitian.

Napatingin ako sa direksyon ni Anne. Kitang-kita ko kung paano siyang ngumiti pabalik kay Phillip.

Natural na ngiti lamang pero bakit ganito ang aking nararamdaman?!

Iyong ngiti niyang ipinakita kay Phillip ay kaswal lang. Ngiting araw-araw ay kaniyang ipinapakita sa iba.

"Ano kaba! Ayos lang iyon sa kanila. Tara na nga!" sabi ni Angella sabay higit kay Anne at Yhumie at nauna ng nagpunta sa canteen.

"Sup!" bati ni Phillip sa kaniyang pinsan at malakas na nakipag apir rito kaya rinig mong malakas ito.

"Kala mong hindi ko nakita iyong ginawa mo kanina Phil?" sabi niya sa kaniyang pinsan.

"Aishhh! Sabi nang wag mo ako tawaging Phil!" sabi niya kay Ceddie.

"Arte mo! Ano wala kang balak magpaliwanag?" tanong nito sa kaniyang pinsan.

"Wala naman akong dapat na ipaliwanag" sagot niya sa kaniya.

Kaming apat ay naglalakad patungo sa canteen. Habang papunta ay hindi mo maiaalis ang matang nagtatangi sa amin. Maging sa baguhang estudyante na aming kasama ay kanilang pinupukulan ng tingin. Ang dating usap-usapang dalawang estudyante ay naririto na at kasama pa naming lima.

"Anong wala! Yung pagtitig at pagngiti mo kay Anne kanina!" pagalit niyang sabi rito.

"Ano ba kasing meron at bakit pati pag titig at pagngiti ko sa kaniya ay bawal. Ni hindi pa nga kami pormal na nagkakakilala" nagtatampo niyang tugon rito.

"Sinabi ko naman kasi sayong bawal na siya"

"Bakit at paano bang bawal? Sa pagkakaalam ko ay wala pa naman siyang kasintahan. At kung makapang akusa ka sa aking ginawa kanina ay akala mong napaka laking kasalanan. Makikipag-kaibigan pa lang naman" nagtatampo pa rin niyang sinabi sa kaniyang pinsan.

"Ayan ka nanaman sa "pa" na iyan sabi nang tigilan mo iyan"

"Ah basta! Dimoko mapipigilan" panghahamon niya rito.

"Sinasabi ko sa iyo Phillip. Wala ka na sa dati mong eskwelahan kaya ikaw ang makibagay" sabi niya rito at ang isa naman ay umunot na lamang.

Nakarating na kaming apat sa canteen at hinanap sila Anne.

Nang makita sila ay may bitbit siyang dalawang upuan na wari ko'y para sa aming dalawang bagong kasama.

Tutulungan ko na sana siya pero ako ay naunahan. Ni Phillip.

Ayos lang iyan! pagkausap ko sa aking sarili.

"Ako na, Anne" nakangiting sinabi ni Phillip na tinanguhan ni Anne at nagpasalamat. Bitbit na niya ngayon ang upuan. Kaniyang inilagay sa magkabilang dulo ng lamesa upang mag kasya.

"Oo nga pala Anne. Gusto ko lang pormal na magpakilala. Phillip Mendrez. Single" pagpapakilala niya sa harapan naming lahat matapos ilagay ang dalawang upuan sabay lahad ng kaniyang kamay.

Just a Friend (On-Going)Where stories live. Discover now