Chapter 12

29 6 0
                                    

Anne POV

Ilang araw na ang nakakalipas at ilang araw na din niya akong hindi kinikibo manlang o kinakausap.

Naninibago ako sa kaniya. Hindi ko mawari kung ano ang aking nagawa sa kaniya. Wala akong matandaan na may ginawa ako sa kanya dahil ang huli pa naming pag-uusap ay noong unang araw nila Phillip dito na noo'y nilibre kami ng pananghalian.

Narito kami ngayong tatlo na naglilibot nila Yhumie at Angella sa mall at namimili ng aming susuotin para sa party na gaganapin na bukas sa bahay nila Phillip.

Kami lamang dapat dalawa ni Angella ang pupunta sa mall at aayain  sana namin ang tatlo naming kaibigan na lalaki ng biglang sumulpot si Yhumie at sinabi niyang si Phillip na daw ang kasama ng tatlo.

Kaibigan din naman na namin sila.

Habang naglilibot kami sa loob ay nasabi ni Yhumie na malawak raw ang bahay nila Phillip kasi raw sa angkan nila ang pamilya nila Phillip ang mas angat at pangatlo sila.

"Anong tingin mo rito. Bagay kaya saakin?" tanong ni Angella habang hawak-hawak ang dress na kulay blue na may kumikinang na disensyo sa ibaba habang inuusisa.

"Bagay na bagay lamang sa iyong katawan. Hindi kaiklian at hindi kahabaan. Ang kulay naman ay magandang humahalo sa kulay ng iyong balat" komento ni Yhumie at saka naglakad sa mas marami pang damit.

"Sigurado ka?" tanong niya kay Yhumie pabalik at saka tinignan muli ang damit at hinarap ang sarili sa salamin at sinisilip kung ano ang itsura.

"Wala ka bang tiwala sa akin?" sagot naman ni Yhumie na gaya ni Angella ay kasalukuyang naghahanap ng damit sa hilera.

Ako na lamang ang hindi pa nagtitingin-tingin ng maaaring masosoot!

Lumakad patungo sa ibang parte ng botique ng mga damit si Yhumie at si Angella nama'y sumama at namimili pa rin kahit may napili na, baka daw may mas babagay pa sa kanya.

Ako naman ay nagtitingin din sa mga damit kung anong aking susuotin. Hindi ko alam kung anong klaseng damit at aking susuotin.

Pormal.

Naalala ko at saka pumunta sa lugar kung saan andoon ang damit pampormal.

Nagtitingin-tingin ako sa mga damit nang bigla akong nilapitan ng babaeng wari ko ay nagbabantay dito sa parte na ito.

Hinawakan niya ako sa braso at  saka pumormang nag iisip habang nakatingin sakin at saka bumitiw at umalis sa harap ko ng nakangiti.

Pagkabalik niya ay may dala-dala na siyang dress na halos kasing haba lamang ng kay Angella ngunit ibang-iba ang disenyo.

Kulay puti ito at walang manggas na pinapalibutan ng makikintab na dyamanteng palamuti sa harapan. Ang kwelyo na maliit ay disenyong kagaya ng sa harapan. May mga burda rin iyon ng maliliit na bulaklak sa itaas na parte ng dibdib. Maikli lamang ang hiwa sa gilid at kapag sinoot ito ng kahit na sino at sigurado akong lalabas ang tunay na hubog nito sa ganitong uri ng damit.

Napaka simple at napakalinis ng kulay ngunit mauusisa mong sinumang magsuot nito ay mapagkakamalang mayaman!

"Ayan, isukat mo! Sigurado akong bagay na bagay at sakto iyan para sa formal party na dadaluhan mo" masaya niyang sinabi sabay muwestra ng fitting room.

Wala naman akong tinatanong sa kaniya ngunit paano niyang nalamang kailangan ko ng pormal na damit?

"Pano niyo po nalaman na pupunta ako sa isang formal na party?" tanong ko rito at saka iniabot ang damit na hawak niya.

Just a Friend (On-Going)Where stories live. Discover now