Chapter 1

191 23 36
                                    

Gelo POV

Dahan-dahan akong nagmulat ng aking mga mata kasabay ng pagtigil ng aking orasan na nagsasabing bangon na gamit ang nakakarinding tunog nito. Kasabay nito ang pagdampi ng hangin mula sa makinang nagbubuga ng malamig na simoy na syang nag waksi sa aking pagkakagising.

At nang mapagtantong anong mayroon sa araw na ito.

Mabilis akong bumangon mula sa aking hinihigaan.

This is it! Sa isip ko matapos ko maalala kung ano nga bang araw ngayon at kung anong meron sa araw na ito.

Pasukan na naman!

Madali akong lumakad patungong banyo upang makapaligo na at ng makapasok.

Ramdam na ramdam ko ang lamig na nagmumula sa tubig matapos buksan ang dutsa ng paliguan na dumaloy mula sa aking ulo hanggang sa paanan.

"Gelo, bilisan mo na dyan at baka mahuli kapa sa klase"

Hindi ko na lamang sinagot ang aking yaya bagkus isang masigla at matamis na ngiti na lamang ang aking isinukli sa kanya matapos akong maligo.

Nang makapaghanda ay saka lamang ako lumabas ng aking silid matapos ang masigasig na pag papaalala sa aking sarili kung anong dapat na gawin.

Sa ilang buwang bakasyon na hindi kami nagkita-kita ay ganon din katagal na hindi ko sya nasilayan. Ang kanyang matatamis na ngiti na nakakuha ng aking damdaming sintigas ng bato noon na sa kanya lamang naging mamon.

"Huy! anong tinutunganga mo dyan! tara na at baka ma-late pa tayo dyan, tama na pag-iisip mo kay Anne at hindi ka naman papansinin non dahil kaibigan lang tingin nya sayo!"

"Paepal ka talaga kahit kailan at napaka-aga pa para sa pag-iingay mo, alam mo ba?"

"Thats why we're friends, you're the silent one here and I'm the noisy one. Bilisan mo nanga Gelo at ayoko ma late sa unang araw ng klase."

"Sige na, sige na, Kyle mauna kana sa sasakyan at may babalikan lang ako sa loob"

"Bilisan mo na kundi iiwan kita dito"

"Oo nga, kulit!"

Totoo nyan wala naman talaga akong babalikan sa loob, ayoko lang talaga makasabay pumasok 'tong kutong lupa na 'to na halos araw-araw sinira ang araw ko.

Pero kahit ganyan yan, mahal ko yan, kaya nga we're best buddies kasi simula ng lumipat kami dito sa laguna sya ang aking kauna-unahang naging kaibigan sa aming paaralan.

Grade-8 kami naging mag-kaibigan at Grade-7 naman ako nang kami ay lumipat dito. Ewan ko nga kung anong naging problema at inabot ng ganong katagal gayong mahigit isang taon na kaming naninirahan rito. Ayoko lang siguro muna makipag kaibigan kasi gusto ko muna ipriorittize ang pag-aaral ko, which is effective because I got the first rank in class.

Sa aking pag-iisip-isip ay nakatanggap ako ng mensahe mula sa aking kaibigan na sinabing nauna na sya.

Great!

As much as possible I want to keep the solitude Gelo as what it is.

Kahit na magkaibigan kami, ay alam naman nya kung anong ayaw ko at sa gusto. So gay!

Maaga pa naman para sa unang klase kaya kahit excited akong pumasok ay mas pinili kong lakarin papunta sa kanto at doon na sumakay pa skwelahan.

Ilang minuto rin akong naghintay bago may humintong trycicle sa aking harapan.

Just a Friend (On-Going)Where stories live. Discover now