Chapter 6

75 13 7
                                    

Nauna na akong magpunta ng Music Club sa kanila dahil kanina nakatanggap ako ng  mensahe mula sa presidente ng mismong club na kasali daw ako sa mga mangangasiwa ng mga mag a-auditon rito.

Narito kami ngayon nakaupo sa upuang naka handa at may mahabang lamesang kakasya sa marami ngunit tatlo lamang kaming nauupo rito ngayon. Ako, si Tricia, at si Yanna na pawang parehong nagsisigalingan pag dating sa pagkanta.

Habang nag iintay na mag umpisa ay kinausap ko ang presidenteng si Yanna kung bakit ako nakasama sa mga mangangasiwa gayong isa lamang ako sa kanilang miyembro.

"Yan, bakit mo nga pala naisipang isali ako sa inyo bilang taga ngasiwa gayong isa lamang akong miyembro ng club?" tanong ko sa kaniya na ngayo'y nag-aayos ng mga papel na pupunahan ng mga sasali kasama ang aking mga kaibigan.

"Ano ka ba, bakit naman kita hindi isasama? Kung tutuusin ikaw na dapat ang presidente sa ating tatlo sa galing mo sa pag-kanta" sagot nito na panandaliang itinigil ang ginagawa at akoy hinarap upang sumagot.

"Kung ganoon hindi na ako magiging isa sa mag a-audition mamaya?" tanong ko rito.

"Syempre! Kaya nga kita isinama dahil mahusay ka kaya kahit hindi kana maging isa sa kanila ay mapapasali ka. At kahit hindi ka sumali sa club na ito at pumili ka ng  iba ay pipilitin kita. Ganoon ako kabilib at humahanga sa iyong kakayahan" sagot nito na aking ikinapula.

Sa tanang buhay ko parati na akong nakakatanggap ng matatamis na salita ukol sa angking kong galing sa pag kanta, ngunit iba talaga kapag sa ibang tao mo ito maririnig, yung minsan lang pakitaan ngunit tatatak sa isipan nila.

"Paano nga pala ang aking mga kaibigan? Sila Kyle. Baka magtaka sila kung bakit hindi ako kasama" tanong ko sa kaniya at ako rin ay nakiusosyo sa pag-aayos ng mga papel.

"Actually alam na nila na hindi ka kasama. Ayaw pa nga nila pumayag dahil hindi patas para kanila lalong-lalo na sa kaibigan mong dalawa na kasabayan mo lang dito sa club"

"Anong  sabi nila?"

"Sa totoo lang kahit hindi na sila sumali mamaya gayong batid ko din kung gaano sila kagaling na dalawa. Ngunit nais ko lamang na hindi mapag-iwanan ang inyong dalawang kaibigan kaya pinaiwan ko sila" marahil sila Anne at Angella ang kaniyang tinutukoy.

"Sinabi  mo ba sa kanila iyan?"

"Hindi eh. Kung makikita mo lamang kung paanong nag protesta iyong si Kyle ay matatawa ka sa pag ka isip bata"

"Hindi ka na nasanay. Hindi na ata titino ang isang iyon" sabi ko na kakatapos lang mag-ayos ng mga papel para sa mamaya.

"Siya, siya, maiwan ko muna kayo dyan at ako'y may kukunin lang sa aking bag. Tricia, kayo na munang dalawa ang bahala dahil sa tansiya ko ay magsisipag datingan na ang mga sasali sa club" sabi niya sabay alis.

"Gelo, kaibigan mo iyong dalawang mag pinsan hindi ba?" tanong ni Tricia.

"Oo. Bakit mo naman naitanong?" tanong sa kanya habang inililibot ang mata sa silid.

"Balita ko kasi magaling silang dalawa pag dating sa pagkanta lalong-lalo na yung medyo tahimik" pag-tutukoy nito kay Anne.

"Ewan ko, hindi ko pa naman naririnig kumanta si Anne kaya hindi ko pa masasabi ang ganiyang mga bagay. Pero si Angella narinig ko na at parang angel ang kaniyang boses na bagay lamang sa kaniyang mukha"

Just a Friend (On-Going)Where stories live. Discover now