Chapter 4

126 15 6
                                    

Natapos ang unang araw ng napakaraming naganap. Na hanggang sa pag-uwi ng aming bahay ay siya pa ring usap-usapan sa group chat kinagabihan.

"Ang LT mo talaga kanina, Tol!" mensahe ni Ceddie sa aming groupchat.

"Kaya nga! Hahaha paawa pa"

"Maawa naman kayo sa kanya, kanina niyo pa siyang inaasar" maawain talaga itong si Anne. kahit na kailan.

"Hay naku! Bagay lang sa kanya iyan, napakatakaw kasi" si Angella na may tumatawang mukha.

"Connect ng katakawan niya sa kanyang pagkakapahiya?" balik kong tanong.

"Wala lang! HAHAHA"

"Mga siraulo!"

Alis ni Kyle sa usapan na mukhang galit na.

"Ayan! nag out na tuloy si Kyle" may malungkot na emosiyon pang reply ni Anne.

"Onti pa, Anne. Iisipin ko na talagang may gusto ka diyan kay Kyle"

"Concern lang may gusto agad? Hindi ba pwedeng naaawa lang kasi kanina niyo pa talaga siya inaasar" si Anne kay Angella.

"Kasi naman kanina sa school pa lang kung ano-ano ang iyong komento sa pinag-gagagawa ng dalawa kay Kyle"

"Hindi ka na nasanay"

Nananahimik ako ng mga sandaling iyan habang sinusubaybayan ang kanilang talakayan ng may biglang napakabait na bata at nagasabing...

"Konting respeto naman sa isa diyan"

Alam kong ako ang kaniyang pinaparinggan kaya't agad ko siyang pinadalhan ng pribadong mensahe.

"Hoy siraulo!"

"Bakit, tol?" si Ced matapos ang kaniyang sinabi sa aming group chat.

"Bakit, ha? Bakit?" sarkasmo kong tanong.

"Bakit nga? Ito kinakausap at nagtatanong ng matino tapos babalikan ng tanong"

"Ano iyon?"

"Anong iyon ba, Gel?"

"Yoong sa group chat!" pagalit kong sabi.

"Iyon ba? Ito naman masyadong highblood. Saka hindi naman nila alam kung sino tinutukoy ko doon kasi wala silang ideya. Pwera nalang kung sasabihin mo ko kanila"

" Itigil mo na kundi sasabihin ko sa crush mo na i-block ka!" pananakot ko sa kanya.

"Sabi ko nga tigil na, diba?"

"Duwag!" sabi ko matapos mabasa ang huling mensahe galing sa kanya.

"Sinong duwag, Anak?"

Biglang sagot ni Mama na siyang ikinagulat ko sapagkat akala ko ay nasa trabaho pa siya at mamaya pang hatinggabi ang uwian.

"Nakabukas kaya hindi na ako kumatok at pumasok na lang"

Just a Friend (On-Going)Where stories live. Discover now