CHAPTER 8

3.3K 134 20
                                    

CHAPTER 8

ARIES

The 2 weeks vacation ended. Balik trabaho nanaman kami. We're now walking towards the conference room.

Nakasunod ako sa likod ni Xeverious katabi ko ang co-assistant ko at sa likod namin ay mga guardia.

"Aries where's my pen?" Tanong niya sa kalagitnaan ng meeting.

Mabilis kong kinuha sa attache case ang pen niya at iniabot sa kaniya. The meeting and the contract signing finished.

May aasikasuhin daw siya ng lunch at hindi niya na kami pinasama.

"Aries!"

Tawag sakin ni Katherine isa sa mga empleyado. I'm closed to all of them now.

"Naglabas ng memo half day daw ngayon. Sama ka samin mamaya!" Pag-imbita nito.

"Saan?" Tanong ko dahil hindi ko naman alam kung saan sila pupunta.

"Party! Party!" She exclaimed umindak pa siya na animo'y nasa bar siya.

"Oo nga sama ka!" Singit ni Gio isa rin sa mga empleyado.

"Oo sumama ka na samin masaya 'yon!" Sumingit na din si Aubrey at Justine.

"Noong last hindi ka sumama kaya ngayon hindi ka na puwedeng tumanggi. Don't be a kill joy Mr. Assistant!" Dagdag pa ni Allison.

Napabuntong hininga ako ng malalim bago napipilitang tumango.

"Yes!" They all exclaimed.

"Libre mo kami!" They all added.

Sinasabi ko na nga ba magpapalibre sila kaya gusto nila akong isama. They doesn't know that I'm a Liaño pero alam nila na malaki ang sahod ko.

"Yeah fine." I said.

Mas lalo silang nagsaya. Tinapos ko na ang trabaho ko dahil half day lang kami ay mabilis ding natapos.

Sabay-sabay kaming pumunta sa CLOUD a very well known and exclusive bar here in the city balita ko mayroon din nito sa ibang bansa.

We occupied one big VIP room. Ang lalakas ng loob nilang magsisi-order dahil alam nilang hindi sila magbabayad.

"Kamusta Aries? Mukhang natiis mo ang babaero nating boss! Magiisang buwan ka na din!" Allison said.

I shrugged my shoulder. Nabalitaan ko na wala daw nagtatagal na assistant kay Xeverious dahil kapag natikman niya na ang mga ito ay sinesesante niya na.

Ba't ako hindi niya sinesante? The heck! Ba't ko ba biglang naisip iyon!

They delivered our food and beverages we chose the samgyupsal set. Nag-umpisa ng kumanta si Gio and I must say he's a good singer.

Si Katherine at Aubrey naman ay nagluluto, samantalang si Allison at Justine ay naguusap ng masinsinan. I heard from the others na may namamagitan daw sa dalawa.

"Hoy Aries! Bakit ang tahimik mo?" Tanong ni Aubrey.

Ngayon ko lang sila nakasama sa ganito kaya inoobserbahan ko muna sila. Mababait naman silang lahat.

The Playboy's AssistantWhere stories live. Discover now