CHAPTER 1

10.1K 251 46
                                    

CHAPTER 1

ARIES

"Are you really sure about this?" Dad asked.

Maingat kong nilalagay ang mga maleta ko sa likuran ng sasakyan ko.

"Yes Dad! I wanna grow and be matured enough Dad, at hindi mangyayari iyon kung lagi akong nasa comfort zone ko. I need to explore and try something new." I answered casually.

I'm leaving our Hacienda here in Pangasinan to go to Manila. I wanna grow. Gusto kong maging independent, gusto kong maranasan na sa buhay ko tatayo naman akong mag-isa.

"Okay!" Napabuntong hininga si Dad. "Just take care. Tawagan mo lang ako kapag may problema ka." Napipilitang sabi ni Dad.

Tinanguan ko siya at nginitian.

"Take care Dad kayong dalawa ni Mom." I hugged him.

Nasa loob ng bahay si Mommy dahil hindi niya daw kayang panoorin akong umaalis at baka umiyak lang daw siya.

Dad tapped my back.

"Our home is always open for you Son, just in case you want to go back." Sabi ni Dad.

Tumango na lang ako at kumaway bago pumasok sa sasakyan ko. I started driving my car. This is it!

Nang makarating sa siyudad ay agad akong tumungo sa building ng unit ko na ako ang bumili.

I opened the door of my Condo. Kakarating ko pa lang kanina ay tinawagan na agad ako ni Mom at tinanong kung kamusta daw ang biyahe ko.

After talking to Mom, I fixed my things. Pagkatapos ay binuksan ko ang laptop ko at gumawa ng resume.

I want to work. Gusto kong magtrabaho sa ibang kumpaniya to gain more experience dahil sa kumpaniya ni Dad ay lagi akong may special treatment and I don't want that.

Pagkatapos kong gumawa ng resume ay nag browse ako sa internet ng mga posibleng job offering.

At my state. Hindi naman siguro ako mahihirapang mag-apply dahil nakapagtapos naman ako sa isang kilala at eksklusibong unibersidad.

I'm a graduate of business management.

While browsing I received a phone call from ninong Alexander. The CEO of Gomez Group of Companies.

Ninong offers me a job. He wants me to be an assistant of his son. At maganda ang offer, para sa isang assistant malaki na ang 100,000 a month plus bonus pa.

I agreed. Sinabi ko din kay Ninong na ayaw ko ng special treatment sa opisina at kung pwede ay huwag na muna niyang sabihin sa iba kung sino ang tatay ko.

Hindi naman sa kinakahiya ko si Dad, gusto ko lang maranasan ang isang normal na buhay, hindi yung titingalain ka ng mga tao dahil mayaman ang pamilyang pinagmulan mo.

After talking to Ninong ay nagluto ako ng hapunan ko.

Days flies so fast. Naglalakad na ako ngayon papasok sa building ng mga Gomez. I fixed my black long sleeve polo na itinupi ko hanggang sa siko.

"Good morning! Where's the Office of Mr. Gomez?" I asked the receptionist.

"Kayo po si Mr. Aries?" She asked.

Naiilang ako dahil titig na titig ito sa muha ko at nag-ninigning ang mga mata. Kaya tumango na lang ako.

"39th floor po." Sagot nito.

"Salamat." I smiled at her.

Agad kong tinungo ang opisina ni Ninong.

"Hi Aries please have a seat." Bungad ni Ninong.

The Playboy's AssistantWhere stories live. Discover now