CHAPTER 3

4.9K 183 36
                                    

CHAPTER 3

ARIES

"Meeting adjourned!" Ninong announced.

Isa-isang nagsilabasan ang mga tao sa conference room. Kaming tatlo nalang ang naiwan si Ninong, Ako at si Xeverious.

"You two... let's go." Sabi ni Ninong.

Nauna siyang naglakad palabas kaya sumunod kami sa kaniya.

"Where are we going?" Tanong ni Xeverious sa ama niya.

"Pampanga. I have a very important meeting there and I want you to come." Sagot ni Ninong sa kaniya.

Tahimik lang akong naglalakad. Hanggang sa makasakay kami sa sasakyan.

Magkatabi kami ni Ninong sa backseat, si Xeverious naman ang nasa tabi ng Driver. We are riding Xeverious's car.

"How are you Aries?" Kapagkuwan ay tanong ni Ninong.

"I'm fine...Non- Sir." I answered.

Tumango lang si Ninong. Mahaba ang biyahe namin kaya inabala ko ang sarili ko sa cellphone ko. Mayamaya pa ay biglang nabitawan ni Ninong ang cellphone niya kaya dumuko ako at kinapa ang ilalim ng upuan.

May nakapa akong tela katabi ng cellphone. Iniangat ko iyon, halos lumuwa ang mata ko ng makita kung ano ang hawak ko.

A panty. Wahhh!

Nagpanic ako kaya agad kong ipinasa kay Ninong ang panty na hawak ko, ipinasa niya sa akin pabalik, at muli kong ipinasa sa kaniya.

Damn baka may STD virus yung panty na iyon!

Nang mainis si Ninong ay inihagis niya iyon kay Xeverious, ako naman ay agad naghanap ng alcohol at halos ipanghugas sa kamay ko.

"What the fuck Xeverious Alexander Gomez!" Tito hissed.

Kasalukuyan din niyang dinidissinfect ang kamay niya ngayon.

"It's nothing Dad." Mahinang sagot nito sabay tago ng panty sa gilid ng upuan niya.

"Gross!" I commented. "Dugyot ka! Baka mamaya may gamit pang condom dito!" I added.

Agad niya akong sinamaan ng tingin. Katakot-takot na sermon ang inabot niya kay Ninong habang nasa sasakyan kami.

Kaya nang makarating kami ay padabog siyang bumaba ng sasakyan.

"Mukhang hindi na talaga magbabago ang batang iyon." Dismayadong sabi ni Ninong.

I just shrugged. Buti nalang lumaki akong maayos at desente.

"Just tell me if you want to quit Aries maiintindihan naman kita." Ani pa ni Ninong.

Tumango lang ako. Xeverious heard that kaya agad siyang lumingon sa gawi namin.

Ninong's meeting started. Wala naman akong magawa sa loob dahil sila lang ang nagkakaintindihan ng kameeting niya kaya nagpaalam muna ako sandali para lumabas.

I roamed outside the capital town. Naramdaman ko ang bulto ni Xeverious sa likod ko.

"Sorry about what you saw earlier." He uttered.

Nilingon ko siya at bahagyang natawa.

"Sorry for what? For you being a playboy?" I teased him.

Lalong sumeryoso ang mukha niya kaya bumalik na ako sa paglalakad at dumiretso sa bagong bukas at sikat na McDo.

The biggest McDonald's in the country.

It's not that huge tho. Mabilis akong pumila sa order machine at pumindot ng order kasunod ko ay si Xeverious.

The Playboy's AssistantWhere stories live. Discover now