CHAPTER 17

1.7K 77 20
                                    

Chapter 17

ARIES

Kanina pa nakasimangot si Xeverious. He's not happy because I'm talking to a lot of PMA-yers here inside the camp.

"Sa susunod hindi na tayo pupunta dito!" Asik niya, habang naglalakad kami palabas.

Tinawanan ko lang siya.

Habang pabalik kami sa tinutuluyan namin dito sa Baguio ay naguusap silang dalawa ni Ninong sa cellphone.

"May pupuntahan ako bukas. Somewhere in Benguet." Kapagkuwan ay sabi niya. "Gusto mong sumama?" Dagdag nito.

Tumango ako. Wala akong kasama kung hindi ako sasama sa kaniya. And besides, ang sarap ding umakyat ng bundok.

Pagkadating namin sa tinutuluyan namin ay sabay kaming naghapunan dalawa.

After dinner, we took a bath together.

"Wala ka ng gustong puntahan?"

Tanong nito habang nakahiga kaming dalawa sa kama.

Hindi na ako nag-abalang sumagot dahil inaantok nako. Nang mapansin niya ay hinayaan niya na akong matulog.

Kinabukasan, maaga kaming gumising dalawa.

"Why are we going to Benguet?" I asked while preparing my backpack.

"May pinapaasikaso si daddy." Kaswal niyang sagot.

After fixing our things, tumungo na kami sa sasakyan. Siya ang nagmaneho. Halos apat na oras din ang biyahe mula sa Baguio City, papunta ng Benguet.

Nakipagusap muna si Xeverious sa may-ari ng bahay sa bungad ng bundok, dahil doon niya iiwanan ang sasakyan niya.

Pagkatapos makipag negotiate, ay nagsimula na kaming lumakad paakyat ng bundok.

Habang naglalakad ay abala ako sa pagkuha ng mga litrato gamit ang camera ko.

"Malayo pa ba?" Hinihingal na tanong ko kay Xeverious.

Huminto siya at nilingon ako. Isinabit niya ang bag niya.

"Ayoko, nakakahiya." Pagtanggi ko ng tapikin niya ang likod niya na para bang sinasabing papasanin niya ako.

"Papasan ka, o bubuhatin kita?" Seryosong tanong nito.

May mga tao kaming kasunod sa likuran namin. Kaya pumasan na ako sa kaniya dahil nakaharang kami sa daan.

"Ang bigat mo." Reklamo niya.

Dahil nakapasan ako sa likod niya ay malaya akong singhutin siya. Bakit kahit pawis siya ang bango-bango niya?

"Xev, may aso!" I exaggerated.

I saw a lot of dogs. We reached our destination, hinigpitan ko ang kapit ko sa kaniya kahit gusto na niya akong ibaba.

Pinagtitinginan na kami ng mga tao doon. Itinaas ko ang paa ko ng magsimulang magsi-tahulan ang mga aso at lumapit sa amin.

"Ang sakit ng batok ko!" Reklamo ni Xeverious ng higpitan ko pa lalo ang pagkapit sa kaniya.

The Playboy's AssistantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon