CHAPTER 4

4.6K 161 35
                                    

CHAPTER 4

ARIES

Hindi ko namalayan na nakatulog na pala talaga ako. Nagising lang ako ng tapikin ako ni Xeverious at sabihing nandito na daw kami.

Nag-unat muna ako bago tumayo. I just bring my louis vuitton cross body bag dahil marami naman akong damit doon.

Naglakad kami ni Xeverious palabas ng terminal. Huminto kami sa harap ng pamilihang bayan.

"Saan ka?" I asked him.

Hindi ko naman alam kung saan siya pupunta.

"Sa pupuntahan mo." He answered.

"What?" I asked.

"Wala akong tutuluyan kaya makikituloy ako sa inyo." Kaswal na sagot nito.

Hindi na ako nakipag talo. Pumunta na ako sa paradahan ng mga trycicle.

"Señorito Aries!" Mang Jojo exclaimed when he saw me.

"Magandang tanghali po Mang Jojo." I greeted him.

Mang Jojo and his family are one of those families that my Dad are helpings. Kilalang kilala si Dad sa buong Pangasinan dahil likas siyang matulungin sa mga mahihirap.

We own the biggest Hacienda here in Pangasinan at marami din kaming negosyo dito.

My Dad is not a politician, sadyang matulungin lang talaga siya sa lahat kaya kilalang kilala ang pamilya namin dito.

"Sasakay kayo?" Magiliw na tanong ni Mang Jojo.

Tumango ako kaya mabilis siyang sumakay sa trycicle niya kaya sumakay na din kami.

"Why did he called you Señorito?" Xeverious asked.

I didn't bother to answer him. I don't want to brag. Binaybay na namin ang daan patungo sa hacienda.

Mapuno ang daan, tanaw na tanaw kahit sa malayo ang malawak naming lupain.

Hacienda Liaño.

Nang makarating sa tapat ng malaking gate ay huminto na ang trycicle kaya bumaba na kami.

"Salamat po Mang Jojo!" Nakangiting wika ko sabay abot ng bayad.

"Dito ka nakatira?" Namamanghang tanong ni Xeverious.

Pumasok kami sa loob ng malaking gate, agad kaming sinalubong ng mga guwardiya. We followed them sumakay kami sa isang golf cart.

Our Hacienda consists of 5 houses. The main mansion, my house, my brother's house, Tita Laura and Tristan's house, and the guest house.

Sa dulong bahagi ay ang mga taniman at ang orchidarium ni Mommy. Nasa kanan naman ang sakahan at taniman ng mangga. Our Hacienda also have a water falls and a river.

Huminto ang golf cart sa tapat ng mansion kaya bumaba na kami. Agad kaming sinalubong ng mga katulong.

"Magandang tanghali po Señorito Aries!" Sabay-sabay na bati nila sabay yuko.

Nasa bukana ng pintuan si Daddy at Mommy.

"Tito? Tita?" Xeverious asked.

Magiliw siyang nginitian ni Mommy at Daddy. My Dad and his Dad are really close friends.

"How are you?" Dad asked me.

"I'm very much fine Dad!" I answered.

Alam kong maraming katanungan si Xeverious ngayon kaya mamaya na ako magpapaliwanag sa kaniya.

The Playboy's AssistantWhere stories live. Discover now