Chapter 7

16 3 0
                                    

Kinabukasan maaga akong nagising dahil katabi ko si Chanel, Nanood ng horror movies tapos sa kwarto ko naman na tulog.

" Bff una kana kasi sabay kami ni Tita ngayon". Text saakin ni Migs.

Mukhang meron malalate nanaman. Pagkapasok ko ng School agad kung nakita si Yuri sa may Clinic nag hihintay.


"Nadia usap tayo saglit lang" sabi sa akin ni Yuri

mukhang fresh pa naman siya. Basa pa ang buhok at ang linis tignan sa unipormi niya naka white polo namay necktie na logo ng School tska naka brown slocks naka wax pa ang buhok kaya madaming nagkakagusto sa kanya.


"Ano bang pag- uusapan natin Yuri?" Sabi ko sa kanya. Nagdadalawang isip ako kung kakausapin ko siya. Kinakabahan ako hindi para sa sarili ko kung hindi para kay Migs.




"Saglit lang naman, Sge na Nadia please kahit 5 mins lang" panghihikayat niya pano ka ba to gagawin mukha pa naman siyang sincere.

Shuta may magagawa ba ako?


"Sge 5 mins lang" nauna na akong maglakad sa kanya papuntang covert court. Tinignan ko din relo ko kung malalate ba ako . Pero mukhang maaga pa naman.

Nakaupo ako sa may sulok para di mahalata na maguusap kami ni Yuri kasi for sure pag chichismisan kami. Umupo si Yuri sa tabi ko.



" Nadia gusto kita". Sinasabi ko to dahil ayaw kong itago. Sana wag kag magalit.

Napalunok ako. Tama talaga ang hinala ng mga kaibigan ko. Pero anong gagawin ko dito. Diko alam pano tutugon.




" Ano kasi Yuri hindi ko alam kung anong sasabihin ko" Sabi ko ng nakayuko nahihiya talaga ako.

" Okay lang Nadia wala kang dapat itugon don. Gusto lang naman kita. Sinasabi ko yun sayo kasi yun yung nararamdaman ko. Wag kang magalala hindi naman ako naliligaw sinasabi ko lang na gusto kita."



"Talaga Yuri? Buti naman". Yun lang talaga ang lumabas sa bibig ko shuta nahihiya pa ako.

" Wag kang mag-alala hindi naman kita gugulohin sinasabi ko lang na gusto kita"


Buti naman kasi pag nanligaw siya andaming masasaktan.

"Nadia last na talaga" tumayo siya at aakmang hahawakan ang kamay ko hudyat na para tumayo na rin ako.


"Pwedeng pa hug?" Pagkatapos nito hindi na kita papansinin kasi alam ko yung mga kaibigan mo magagalit.



Hug lang naman siguro walang masama dun. Pagkayakap ko nakita ko Si Migs sa harapan ko nakatingin.


PUTA.

Nagmamadali akong bumukas sa pagkakayap at Nakita ko din si Marie. Yung tingin niya para siyang maiiyak na ano. Sinundan ko sila kasi biglang tumakbo si Migs, Sumunod na din si Marie.


"Teka Migs magpapaliwanag ako , Wala kaming masamang ginagawa". Please makinig ka muna mali ang pagkakaintindi mo". Sabi ko sakanya na maiiyak.


" Ano pa ba Nadia kitang-kita na! May magkayakap bang wala lang?" Sigaw ni Marie


Hindi ko alam pero bat ganyan si Marie wala siyang alam, hindi nila alam kung anong pinagusapan namin pero bat ganun siya kung makareact. Diba dapat mas magalit si Migs kasi crush niya si Yuri.

"Ano Nadia bat dika makasagot bat kayo naguusap ni Yuri!!" sigaw ulit ni Marie


At biglang humarap si Migs at nagsalita kay Marie.


" Ano ba Marie! bat ka nagagalit kay Nadia?" Dahil gusto siya ni Yuri. Galit na galit ka sakanya dahil narealise mo na mahal mo din si Yuri" Sigaw ni Migs kay Marie.


Napaawang ang bibig ko hindi ko alam kung anong nagyayari. Nakayuko lang ako at umiiyak sa gilid.

" Ano Marie!, Hindi ka makasagot kasi totoo. Diba". Sabi ni Migs ng namumula.

Kitang- kita sa mukha ni Marie ang pagkagulat kunting kunti nalang maiiyak at maiiyak na siya pero pinipigilan niya.

" Oo inaamin ko gusto ko siya dati gustong gusto ko siya. nasasaktan ako kasi di niya ma appreciate lahat ng ginagawa ko para lang mapansin niya ako. Hindi niyo yun alam. Kasi wala kayong alam!. Sigaw ni Marie saamin ni Migs.





" At bakit kasalanan ni Nadia dahil napansin siya ni Yuri?" Diba dati gusto ka ni Yuri pero anong ginawa mo binawewala mo lang siya. Tapos noong meron na siyang gusto. Galit na galit ka. At alam mo ang masaklap kay Nadia siya nagkagusto. Diba nakipagkaibigan ka kay Nadia dahil nalaman mo dati na crush siya ni Yuri na baka sakali mapansin ka niya ulit. Diba Marie.

Hindi ko alam kung anong mararamdam ko,Tama ba nag narinig ko? Hindi ko akalain na magagawa yun ni Marie dahil ang tingin ko gusto niya akong maging kaibigan. Naalala ko dati walang kaibigan si Marie binubully pa siya ng mga kaklase namin dati at ako yung taong nagtangol sa kanya pero bakit niya ito nagawa?


Hindi nakasagot si Marie humihikbi lang siya nakayuko. Tinignan ko si Migs tinanguan niya lang ako na pahiwatig na okay lang siya.


" Wala kang alam Migs" sigaw ni Marie.



"ANO BA! HINDI KAYO TITIGIL? PARA KAYONG TANGA NAGKAKAGANYAN KAYO KASI SA ISANG LALAKI? IKAW MARIE HINDI GANYAN ANG TINGIN KO SAYO! KASI PARANG KAPATID NA KITA. PERO TAMA BA? GUSTO MO LANG MAGING KAIBIGAN SI NADIA DAHIL GUSTO SIYA NI YURI?" GANYAN KA BANG KLASENG TAO DIBA MATALINO KA? PERO SAAN ANG UTAK MO NGAYON!". sigaw ni Anastasia.


Biglaang lumapit si Coleen at niyakap ako nakatingin lang si Aki na hindi alam kung anong gagawin. Galit na galit ang mukha ni Anastasia .

" Alam mo Marie sa lahat nating magkakaibigan ikaw nag pinakaclose ko sa lahat kasi akala ko totoo ka. Pero tika kaibigan ba tingin mo saamin o kaibigan lang din kasi wala ka noon dati". Sabi ni Anastasia at umalis.

Tara na magpapakalma mo na tayo. Wag nanatin dagdagan to mamaya na tayo mag usap pag kalmado na sabi ni Aki

Umalis kami at iniwan si Marie. Tinignan ko si Migs at yumakap sa kanya.

" Anong iyak- iyak mo diyan?" Tanong niya habang natatawa.

" Akala ko kasi magagalit ka" sabi ko sakanya habang hinahampas.

" Ano ka ba kaibigan kita. Crush ko lang yun. Maganda ka eh. Idi ikaw na. Di joke lang , Parang kapatid na tingin ko sayo Nadia hindi ko pagpapalit nag pagkakaibigan natin dahil lang sa isang lalaki."

Wag muna tayo pumasok ngayong araw punta muna tayo sa amin. Sabi ni Aki na naghihikayat.

Hoy sabihin mo tinamad ka lang kaya ayaw mong pumasok si Coleen naman.

Di nga totoo isang araw lang naman. Walang mawawala kung magaabsent tayo. Tska pagusapan natin kung anong nagyayari. Hindi ko din alam kung anong sasabin dahil wala naman ako noong nagusap si Nadia at Yuri. Pero ito lang masasabi ko Walang bibitaw sa pagkakaibigan natin kahit nagawa yun ni Marie meron siyang rason para doon yun nga lang yung tiwala dina mababalik. Sabi ni Aki ng kalmado.

Ewan ko ba pero ang bigat bigat ng pakiramdam ko hindi ako makapaniwala.














Tara na guys wala din ako sa mood pumasok kaya arats cutting tayo kahit isang besis lang sabi ni Migs nagtumatawa para pagaanin ang sitwasyon.


.........




😊

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now