Chapter 9

15 3 1
                                    

Nagising ako ng maaga kaya for sure hindi ako malalate. Bumaba na din ako para kumain at na abotan si mama sa kusina na naghahanda. Kumakain na din si Papa at Chanel.

"Ikawng bata ka! gabing-gabi kana umuwi! Ka babae mong tao, Hindi ka ba magtatanda Chanel? Ilang besis ko bang sabihin at pangaralanan ka na wag ka mo ng iinom, jusko 17 ka palang! Pano kung may mangyari sayo ha!" . Pangangaral ni Papa kasi sa mag daang araw napapansin ko din na late na din halos umuwi si Chanel .


"Simula ngayon maliit nalang ang allowance mo, Bawal ka na gumastos ng kahit ano! atopangin mo muna grades mo bago ka inom ng inom!" Si mama naman ang nag salita galit na galit ang mukha.


"Ano ba naman yan! Umagang-umaga, Ganito ba ang way para mag greet ng Good morning ma? pa?" Sabi ni Chanel habang kinakamot ang ulo. Naka uniform na siya at handa ng umalis.

Umiling nalang ako at kumuha ng pagkain ayaw kung makinig na mag sermon si mama kasi 24/7 yan hanggang bukas pa yan matatapos. Pagkatapos kong magbihis nagpaalam na ako na mauuna na ako pampa good vibes lang kay sir kasi nakita niya na nag cut ako ng class.

"Nadia kung sakali sana sabihan mo Chanel ng mga tamang gawain, Ayaw makinig saamin baka sayo makinig siya."Biglang lapit ni mama saakin at nag mano na din ako sa kanya. Ano ba yan si Chanel dapat mag sermon saakin hindi yung ako siya yung ate eh.


"Sge ma, sasabonutan ko siya pag ayaw niyang makinig." Hoy Chanel tara na para kang pagong kung gumalaw, Gra-graduate ka nyan?

Gra-graduate na si Chanel this year kaka 17 lang niya kaya andaming bawal sa kanya lalo na noong nalaman ni papa na ng cut ng class para mag inom kasama ang mga kaibigan niya andami niya ring bagsak. Ewan ko ba wala naman kaming problema sa bahay. Tapos ang aura niya ang pula ng mga labi at mukha niya parang tanga tignan tapos yung eye shadow niya color green pa ewan ko ba parang punk na naabotan ng bagyo yung style kaaya pina pagalitan sa school eh kasi. putok na putok ang make up niya mas putok pa make up niya sakay kay Migs.


Binigyan niya naman ako ng matalim na tingin at nagmamadaling kumain. Nag-alala na talaga ako kay mama at papa pano ba kasi si Chanel pwede naman niya i enjoy yung buhay niya pero di yung ganito. Balita ko pa yung mga kaibigan niya kasama sa mga gang ng School.


"Tara na Nadia", sabay akbay sa akin kumakain pa ng bubble gam. Alam mo nakita kita kahapon. Nag cut ka ng class noh? Bulong sa akin ni Chanel. Bigla ako nakawala sa akbay niya

"Ano naman? Atleast ako hindi maliit grades ko, Tska meron yung purpose no, di katulad sayo nagcucut ka kasi inom ka ng inom." Umiling nalang siya at inakbayan ulit ako.


Sabay na kaming pumasok ng School. Nakita ko na din si Migs na naghihintay sa Clinic. Pagkapasok namin sa classroom wala pang guro pero kinakabahan na ako. Second subject kasi si Sir ang magtutoro pag tuesday. Walang klase pag tuesday sa first period.


"Absent kayo kahapon?" Tanong ng isa naming kaklase.


"Ay hindi girl present kami andami nga nating ginawa gahapon eh pagod na pagod kami kasi present kami ni Nadia kahapon" Sabay sabi Migs

"Pa epal ka Migs nagtatanong ako ng maayos eh" sabay hampas sa braso.

"Nakita ko kasi si Marie umiiyak, Nakapanibago lang di ba kayo parati magkasama friendship kayo eh..." hindi na natapos ang sinabi niya dahil pumasok na si Sir.


"Good Morning class" bati ni Mr. Montecarlos habang nakatingin sa akin na balangko ang mukha.

Nilapag niya gamit niya sa lamisa at merong kinuhang water bottle, Biglang napatingin naman siya sa akin at papalapit. Ilang hakbang nalang palapit at palapit siya sa kinaupuan ko.


Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin