Chapter 11

14 1 0
                                    

Napaiwas ako ng tingin. Gusto ko nang umalis pero ang mga paa ko ayaw pa. Ilang sandali nalang ay bibitaw na ang mga luhang naka preso saking mga mata. Bakit ba subrang bigat ng pakiramdam ko eh crush ko lang naman siya.

Merong humablot sa kamay ko para maka alis. Pumunta kami sa 3rd floor ng tambayan kung saan walang masyadong tao.

"Nadia, Bakit ka nandon ano bang iniisip mo! Nakita mo na nga silang maghahalikan,Bakit ayaw mo pang umalis?". Sigaw sa akin ni Aki galit na galit ang kanyang mga mata.

"Gusto niya yung tao". Napatingin naman kami ng biglang nag salita si Brian.

Pinunasan ko ang mga mata ko ng aking kamay. Lumapit siya sa amin at humakbang palapit sa railings at sumandal papaharap. Tinignan niya ako ng matalim at nagsalita.

"Kung ako sa sayo hindi mo dapat dinadamdam masyado. Bata pa tayo madami pang sakit ang mararanasan mo kapag nagmahal ka ng totoo. Malayo ito sa realidad Nadia. Hindi ka niya magugustohan." Sabi ni Brian na nakataas ang kilay.

"At sino ka bang gago ka! Anong pakialam mo. Kabago-bago mo dito kung umasta ka parang kilala mo lahat.!" Humarap si Aki kay Brian naakmang susuktokin.

Hinawakan ko ang pulsohan ni Aki para pigilan. Tama si Brian subrang bata pa namin para malaman kung anong kahulugan ng pag-ibig. Ewan ko kung bakit ako nasasaktan ng ganito at kay bilis kiligin kahit simpleng galaw lang ni Mr. Montecarlos

"Inaamin ko bago ako rito. Pero atleast nag sasabi ako ng totoo" Napatingin siya sa paanan niya naramdaman niyang meron siyang naapakan na ID.

"Excuse me,Sorry for the interruption. Did you see my ID?". Yung babae na kasabay ko sa Cr. Nakangiti siya habang inaabangan yung sagot namin. Tinitigan niya kami isa-isa pero mas matagal ang titig niya kay Aki. Nakakunot naman ang noo ni Aki ng nagkatitigan sila.


"Elly Montecarlos?" Si Brian


"Ahh, Yes that's me" sabay kuha ng kanyang ID.

Napalunok ako dahil sa last name na meron siya. Tinignan ko siya ulit at ngayon ko lang napansin na meron pala silang pagkahawig ni Mr. Montecarlos.



"Kaano-ano mo si Mr. Montecarlos?" Tanong ni Aki.


"Ahh, He's my tito" thanks for this one i have to go. Sabi ni Elly at umalis.

Umalis na din si Brian pagka alis ni Elly, pero muli niya akong tinignan pagkababa niya ng hagdanan.

Umiwas nalang ako ng tingin at tinignan si Aki.

"Ayosin mo sarili mo. Hindi ko to ipapaalam sa mag kaibigan natin. Pero pag meron ganun sitwasyon Nadia umalis kana. Alam mo naman sguro pag ganun. Hindi ko alam kung gaano mo siya ka gusto. Pero tama si Brian kanina, baka hindi ka magugustohan ng teacher natin. Malayo yun sa iniisip mo."

Yumuko nalang ako at tumango. Pababa na kami ng 2nd floor ng bigla kaming tinawag ni Mr. Montecarlos.

"Ms. Lopez and Mr. Bonifacio, i didn't you two are here". Sabi niya ng nakataas ang isang kilay.

Umiwas ako ng tingin at tumitig sa babae na kahalikan niya kanina. Kinain ako ng insecurity ko yung ganda meron siya walang wala ako. May maitim na matulid na mahabang buhok, May curba ng katawan na hindi ko mararansan. Yung kutis na subrang puti at may maliit na mukha, Malaki ang mata at subrang kapal ng pilik mata matangos na ilong at mapupulang labi. Nakasuot siya ng blacksleveless na dress at white snickers at naka demin jacket. Subrang ganda niya at ako ewan ko.

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now