Prologue

372 5 0
                                    

"Tita saan kana ba? Magsisimula na ang meeting". Nakabusangot kong tinititigan ang message ng aking pamangkin na si Zeke.

"Papunta na traffic lang."Agad kong ni reply sa kanya bago ako sumakay ng jeep. Kasi naman dapat Mama niya dapat punta dito. Kaso day off ko daw ako muna ang pupunta.

Anak ng pucha, Yawa! Ano ba naman kuya hindi ito fun run ha wag ka nga magmadali. Sabi ko habang inaayos ko ang gamit na nagkalat. Abay binungo ba naman ako.

"Sorry miss hindi kita nakita". Sabi niya habang namumula ang mukha. Mainit kasi kaya parang naanigan ng araw ang mukha niya.

Anak ng! Gagi to ha, Hoy kuya kahit 5'2 lang ako matangkad ako ha?

"Matured mo naman miss". sabi niya habang pinipigilan ang tawa.

"Matangkad ako hoy sa panaginip ko nga lang ".sabi ko ng mahina baka marinig niya.

Bigla naman siyang tumawa nang malakas.Hoy sasakay ba kayo oh mag kwekwentohan lang dyan? Atay! Manong driver nakakagulat yun ha!


"Opo sasakay na, Teka lang". Nagmamadali na din akong pumasok sa jeep. Sabi ko pa naman kay Zeke na papunta na kahit ang totoo sasakay palang ako.Minamalas ka oh . Katabi ko pa si unggoy. 



"Wag kang maarte di kita gusto". Sabi niya ng pabulong. Aba't gago to. Nakikipagkarera ka nga saakin tapos ganito pa ugali.


"Alam mo sa subrang advance mo mag iisip daig mo ba ang mga scientist". Sabi ko nang pabulong. 

"Sinasabi ko lang miss. Kasi sa titig mo para mo na akong papatayin." 

Tika bat ba kami bumubulong?Aba't papatayin talaga kita kuya kung dika titigil. Pero inferness pogi si kuya. Pero diko type,

"Paabot ng bayad". Aabotin ko na sana kaso yung unggoy pa epal ulit. Nagka agaw pa kami ng kamay habang tinititigan ko mukha niya para siyang familiar. Feel ko nakita ko na siya. Pero diko matandaan, May mapupugay na mata, Matangos ang ilong at makapal ang kilay. Yung balat naman niya sakto lang pinoy na pinoy ang dating.


"Miss paabot", sabi ni ate agad ko naman kinuha ang bayad at nag iwas ng tingin. Feel ko talaga nakita ko na si kuya. Diko lang matandan. Pagkatapos nangpangyayari diko na uli siya tinignan. Di naman rin siya nagsalita ulit kaya tumingin na ako sa daan.


"Kuya para po" Sakto may baba. Baba na din ako.

"Titaaaaaaaaaa!!"Tita isa ka talagang scammer. Sabi mo traffic lang pero bat ngayon ka lang. Sabi ni Zeke.Nakakatawa naman to mukha ng iiyak. 

"Sabi ng mama nag kaklase ko na di naman daw traffic sa daanan mo"

"Sorry na tinamad lang tita mo", sabi ko sa kanya habang naglalakad patungo sa entrance ng school.

"Luh gagi to araw-araw ka namang tamad". sabay pout ng labi.



"Aba't sa susunod hindi na talaga kita pupuntahan". Sabi ko habang tumatawa kaming dalawa.



Nakakamiss naman sa dati kung pinapasokan na school andami na nagbago dati isa palang ang covert court ngayon 4 na. Isa-isa sa basketball, Volleyball, Orientation for parents tska yung last para sa Family day. Meron pang oval para sa gustong mag jogging. Meron pang swimming pool para sa mga athlete.


"Tita", sabi ni Zeke tinuro niya pa room nya. Dito room ko. Tinuro niya ang pintuan ng classroom niya na kulay brown. Palapit na palapit na kami sa pintuan. Alam na alam ko ang classroom na ito pintuan palang alam ko na.


"Titaaaaa! Dali mag stastart na si sir sa meeting". Kinuha ni Zeke ang kamay ko na para tumakbo.


Pinapawisan na kamay ko. Palapit na kami ng palapit. Subrang lakas ng tibok ng puso ko. Anak ng! para na akong sasabog.



"Good morning Mam" Bati ng Adviser ni Zeke.



"Aw good morning Sir fresh niyo naman".Sabi ng isang Parent na halatang kinikilig. Habang nakapila papasok ng classroom.



Narinig kong sabi nila habang pumipila. Nakayuko ako habang pumipila at kinuha ang cellphone ko para kahit kunti diko siya makita. Pero alam ko paring useless. Makikita at makikita ko pa din siya.


"Mam dito po ang attendance". Anak ng putcha naman oh. isagad mo pa sige na. Wag kanang mahiya.



"Tita dito po daw". Sabi ni Zeke na nagtuturo sa aking kung anong gagawin ko.


Ahh sige, kinuha ko ang ballpen at Attendance sheet para nagsulat na ng pangalan ko at pangalan ni Zeke.Pagkatapos biglang hinawakan ni Daniel ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya.Napakurap ako dahil sa ginagawa niya ! ano ba ginagawa mo nandito pamangkin ko.



"Sorry mam dapat ballpen ang kukunin ko kaso kamay ang nahawakan ko." Sabi niya na nakatawa lang , 



 "Oyyyy si Sir palusot sabi ni Zeke". Sinamaan ko naman ng tingin si Zeke 


"Ahh okay lang " sabi ko ng naka ngiti, Ano pa ba magagawa ko? nandito na ako eh. Hindi pa din siya nagbabago parang ang dali lang lahat ng bagay para sa kanya na para bang wala siyang ginawang masama. Na ang dali lang hawakan ang kamay ko gaya ng pagbitaw niya dati.







Nagpatuloy parin ako sa pagsusulat sa Attendance Sheet, Alam ko sa sulok ng mata ko nakatingin siya. Tinignan ko naman siya pabalik para ibigay ang answer sheet. Para ka paring tanga Daniel. Yung mga galawan mo bulok pa din. Gaya ng pangako mo dati.








Bulok mo pa din.

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now