Chapter 1

103 3 0
                                    

Warning: This story is fictional. if there is a name, person, and event like this is just coincidental And accidentally, It contains matured contains and drama. it can be read by anyone.

Dahil ito ay gawa sa kathang-isip lamang walang sinunod ang akda na kahit sino at ano. Maligayang pagbabasa ☺
....................................................................................................................................................................

"Every child is special, Each one of them have a great generation, ah Future," tama ba, ah hindi ano nga ba yun.

Para na talaga akong tanga sa cr. Pano ba kasi nakakalimutan ko talaga yung stanza na yun. Minememorize ko yung poetry na ginawa ng teacher namin ewan ko ba pwede naman kumuha nalang siya sa mga sikat na gawa ng mga poeters di yung gawa2 lang siya. Kaylangan ko panamang ma memorize yun. oral recitation yun na grade malaki laki din pag naka memorize.

"Nadia ano ba"! Dalian mo diyan malalate kana. Opo ma malapit na.

Anak ng! Naman oh. Maiiyak na ako diko pa naman memorize yung poetry malalate na ako. Bahala na ,Sa school ko nalang tataposin pwede pa naman bukas. Pero bukas pag di pa din wala kanang grades.Nagmamadali na akong lumabas at magbihis.

"Ma punta na po ako ha"? sabi ko sa kanya

"Hoy ano! Dika kakain?"tanong niya sabay nakapamiwang

"Hindi na ma sa school nalang". Habang inaayos ang necktie.

"Pag yang ulo mo sumakit kasi dika kumain ipapakain ko talaga yang cellphone mo"!

Luh! Mama naman anong connect dun?Bye Ma! LuvU text kita bsta kumain na ako. Habang papalakad sa pintuan ng bahay namin.


"Sml anak?" Habang nakatingin sa tv at kumakain.

Wow ma ha ang sweet nang sinabi mo.

Ha? Ano anak.?

Hakdog ma

Ha? Ano ulit?

Ang sabi ko.....

Halabyo anak umalis kana.


Lord mama ko ba to? Para kasing tambay lang sa labas nanakigbibiruan eh. Shit late na ako papagalitan na talaga ako ni Mam Napoles. Grabe pa naman yun magalit parang kabayo naghahampas ng lamisa


"Pst, Pst, Hoy ganda sasakay ka?" Sabi ni kuya na nakangiti.

"Oo kuya sasakay ako!" sabi ko ng nakangiti. Papunta na sana ako sa tricycle ng biglang.

"Lah ano tingin-tingin mo maganda ka ba?"Sabi ni kuya driver.

ANAK NG PUTCHA naman oh! Napangwi ako noon, Sarap mung sabonotan kuya promise. Inirapan ko na lang siya at umalis. Gagi hindi yun nakakatawa ha. Hindi pala maganda pwes. Walang sakay walang pera nasaakin ang huling halakhak. Char huhuhu late na talaga ako.

"Hoy miss joke lang. Ito naman oh sakay na". Sabi ni kuya driver habang nangingiyak.

Kahit magmakaawa ka pa dyan kuya hindi pa din ako sasakay sayo.

"Bahala ka sa buhay mo! Sigaw ko" habang sumakay sa ibang tricycle. Kung hindi ka sana boang idi kanina pa ako nakasakay sa tricycle mo.

"Dito nalang kuya" sabay paabot ng bayad. Pababa na ako ng nakita ko si Migs. Nakaupo sa waitingshield naglalagay ng liptint sa mukha. Hoy baklaaaa ano ba! Ang pula pula na ng mukha mo wag muna lagyan ng liptint.

Jusko yung kaibigan ko para nang si Pennywise sa IT dahil sa pula ng mukha.

"Alam mo bff, Wag kang kj ang ganda kaya ng liptint ko". Sabay pakita sa bago niyang liptint. Maganda nga colourette yung brand.

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now