Chapter 16

11 2 0
                                    

"Huh? Anong sinasabi mo? Tanong ko sa lalaking nakabanga ko. Tiningnan niya ako ng matulin at nakangisi

"I'm Jade by the way. I'm the one who sending you gifts" sabi niya at inilahad ang kamay niya para maka shake hands.

Naguguluhan pa din ako sa mga sinasabi niya. Akala ko si Brian lang ang nagbigay ng mga gifts sakin noon pero tama pala siya hindi siya ang nagbibigay sa akin ng mga gifts kung hindi itong tao na nasa harap ko.

"B-akit mo ako binibigyan ng mga gifts?" tanong ko sa kanya. Ibinababa niya ang kanyang kamay at inilagay sa kanyang bulsa.

"Because I like you. That's the only reason why, I'm sending you gifts" sabi niya at ikinagat ang labi.

Napanganga ako sa sinabi niya. Pano niya ako na kilala? Ni hindi ko nga napansin na schoolmate ko lang siya. Pano? Saan? Kailan?

"Nadia! Who's that guy?" Si Sir Daniel nakakarating lang. Tiningnan niya ng matulin si Jade. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko.

Napatalon naman ako sa gulat dahil bigla-bigla lang siyang sumusulpot. Tiningnan niya sa Jade na may galit sa mata. Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi pa ako nagsasalita ay agad naman silang magsalita.

"I'm Jade, Mr. Montecarlos. Nadia's boyfriend" sabi ni Jade na nagyayabang.

Lumapit si Jade samin para agawin ang kamay ko. Pero pinigilan siya ni Sir Daniel at mas lalong hinawi niya ang kamay ni Jade at dahil sa ginawa nila ay napagitna ako sa dalawang lalaking nasa harap ko. Napapikit nalang ako dahil ko talaga alam kung saan ako lulugar sa dalawang to.

"N-adiaa ano ba!" Biglang dumating si Migs galit na galit dahil na boboryo na siya sa tagal ko. Pero noong nakita niya ang kalagayan ko ay napaawang ang kanyang bibig. "Ahh, Hello po Mr. Montecarlo, Tska ikaw din Jade, Hi. Kukunin ko lang kaibigan ko ha" sabay kuha ng kamay ko,
Nagkatitigan naman si Sir Daniel at si Jade.

"Una na po kami ha, Maghahanda pa kami bukas. Tska wag niyo na balak ihatid si Nadia. Wag na kayong mag-abala. Ganda naman ng kaibigan ko dalawang admirers" paalam ni Migs at lumabas na sa gate. Tiningnan niya ako ng nakangisi at sinusuklay ang kanyang kamay gamit ang buhok ko.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa dalawa. Iniwan ko nalang silang ganun. Kung hindi pa naman nagmamadali si Migs ay marami pa akong gustong itanong kay Jade.

"Bakit ganyan mukha mo?" tanong ko sa kanya. Mas lalong lumaki ang ngiti niya. Kinuha niya kamay ko at nag-sasayaw pa.

"Ganda mo friend ha!, Merong Isang guro na matipuno ang nagkakagusto sayo na nagngangalang Mr. Elijah Daniel Montecarlos. At isang Lead vocalist and. Running for a Valedictorian na si Jade Castro."

Agad naman akong na patingin sa kanya dahil bakit niya kilala si Jade pero ako hindi. Saan niya ba yon nakita at ngayon ko lang nakilala si Jade.

"Speaking of Jade. Pano mo siya nakilala?" Tanong ko kay Migs.

"Hmm, Last year. Diba may pupuntahan tayong Concert sa School kaso may emergency sa inyo. Tumuloy kami ikaw lang ang wala noon. Sabi pa nga ni Marie if makikilala mo ang lead vocalist ng band nagugustuhan mo yun. Kasi diba dati gusto mo yung magaling mag gitara at maganda ang boses"

Oo nga natatandaan ko na yun yung mga panahon na nag cut ng class si Ate Chanel tapos meron siyang nakaaway na isa pang gang ng school. Kaya tinawagan ako ni mama para maagang umuwi dahil ang daming sugat ni Ate Chanel noon.

"Talaga ba? Pero bakit hindi ko siya nakikita sa School?" tanong ko ulit kay Migs.

"Eh kasi nga Science Class iba yung mga building nila sa atin." tugon niya, Sumakay na kami ng Jeep pero hindi pa din mawala sa isip ko si Jade.

Love Me Not (Teacher Student Relationships) DESTINY SERIES #1Where stories live. Discover now