Epilogue

122 13 1
                                    

Keiko.

"Tulungan moko ah?" napa-angat ang tingin ko kay Heidy na ngayon ay inaayos ang bag ni Heiden

"Oo naman, knowing Achlys hindi matigas ang puso nya" napa-ngiti ako na'ng maalala ang mga nangyari saamin noon. Kung alam nya lang.

"Sino po'ng Achlys?" inosente'ng tanong ni Heiden sa kanilang dalawa

"Ah, pinsan ko" nakangiting sagot ni Heidy kaya napangiti ako. I must admit that Heidy raised his son well

"Kaibigan mo po sya?" tanong naman sakin ni Heiden kaya nagka-tinginan kami ni Heidy

"Uhm, oo, gusto mo na'ng ice cream?" pinalitan ko na agad ang topic dahil hindi naman ako titigilan nito'ng batang to kakatanong

Pabalik na ulit kami na'ng Pilipinas. Kamusta na kaya sya? I suddenly remember her Dad's last word before he died

"I know you love my daughter, kasi yung mga kulang na pag-mamahal namin, ikaw ang bumuo noon, siguro hindi ka pa nya mapapatawad ngayon pero baka sa mga susunod na taon, magagawa nya din, hindi matigas ang puso na'ng anak ko, mahalimn mo pa sya higit sa naibigay ko, namin."

"I will Tito, I always will"

"As of now, nandoon sya sa coffe shop na'ng kaibigan nya, she's with Gray and Danica" 

"Thanks Ate, ihahatid ko lang sila Heidy sa condo nya" paalam ko bago pinatay ang tawag

"Dito na lang kami, sige na baka hindi mo sya maabutan doon" sabi ni Heidy na'ng makarating kami sa lobby na'ng condo nya

"Sige, bye Heiden" paalam ko bago isara ang pinto

Na'ng makarating ako sa coffee shop sya agad ang hinanap ko. There, I saw her tumatakbo papunta sa restroom na parang bata na may tinataguan. Dumeretso ako sa boys restroom which is halos katapat lang nang sa girls restroom

Before our eyes met, I immediately erase the emotion on my face, I replace it with my serious and blank face. I just stared at her blankly

Umalis kaagad ako na'ng coffee shop ilang minuto simula na'ng umalis si Achlys. Pinuntahan ko agad si Kevin na nasa site daw nila

"Alam mo pre, parang hindi na kita friend of mine, mas inuna mo pa sya'ng puntahan bago ako?" pabiro'ng hinawakan ni Kevin ang dib-dib nito na parang nasasaktan sya

"Girlfriend ba kita?" pabalang sa sagot ko kaya natawa na'ng malakas si Kevin

"Bakit? hindi mo din naman girlfriend si Achlys ah?" natatawa'ng tanong ni Keving kaya binigyan ko sya na'ng masamang tingin

"Bwisit ka, mahulugan ka sana na'ng hallow blocks!" agad ako'ng umalis doon at baka hindi ko sya matanya. Pasmado masyado

"Sana all, Girlfriend" pahabol na sigaw ni Kevin, sa halip na lingunin ay dumeretso  a lang ako sa bahay nila Mommy bago ako dumeretso sa Condo na binili ko, which is same building na'ng bagong condo ni Achlys. 

Today is Monday. Na-late na ako na'ng gising dahil napuyat ako kagabi, nag-bihis agad ako na'ng pang workout ko. I didn't expect her to be here also " What?" masungit na tanong ko dahil nag te-treadmill sya, baka kung ano'ng mangyari sa kanya kapag huminto sya sa pag-takbo.

"Huh?" gulat na tanong ni Achlys habang naka-turo sa sarili nya, gusto ko mang ngumiti dahil sa gulat. Napaka-laki talaga na'ng galit sakin na'ng babaeng to, pati ba naman sa daan ipinapahiya ako? hindi ko lang napansin na naka green na pala yung stoplight dahil nahulog yung cellphone ko kaya kinuha ko muna tapos sisigawan pa ako.

Sa halip na samaan na'ng tingin si Achlys, nginisian ko na lang sya para mas lalo sya'ng mabwisit. "I won't attend that meeting!" inis na sagot ko na'ng tumawag ulit si Ate Kasey, paano ba naman kase, kaya nahulog ang cellphone ko kanina dahil tawag sila na'ng tawag, kaya pati ako nadadamay sa galit ni Achlys sa mundo e

Fly Your Dream (Drudgery Series 1)Where stories live. Discover now