14

70 19 1
                                    

A/N: Hi, Stay Safe Everyone, especially sa mga nasalanta ng bagyo, just pray, trust God. Stay Safe!


"So how's your dinner with Keiko's family, huh?" Danica ask habang nakain ako ng banana chips at nagbabasa ng libro dito sa sala. Pagkatapos ng pag-uusap namin ng Ate ni Keiko umalis na kaagad ako, ni hindi man lang ako nagpaalam sakanya at sa parents nya

"Ate Kasey" I simply answered her question as if naman kilala nya kung sino yun

"Let me guess, yung Ate ni Keiko?" she ask again kaya tinanguan ko na lang sya at ibinaba ang librong hawak ko "Pero okay naman ang parents?" tanong nya ulit

"Mabait ang Mom and Dad nya, sadyang hindi ko lang nagustuhan yung mga sinabi ni Ate Kasey" sagot ko bago humigop sa chuckie na nasa center table

"Bakit ano bang sabi?, i kwento mo kasi" pagpupumilit pa nya. Aish kahit kelan talaga napaka chismosa netong babaeng to, pero kahit ganon kinuwento ko padin sa kanya yung nangyari, nangmatapos akong mag-kwento inis na inis na sya kay Ate Kasey

"Grabe naman mag-salita yung Ate nya, kung anong kinabait ni Keiko ganon naman kasama yung ugali nung ate nya" sabi nya sabay agaw ng chips sa kamay ko

"Hoy, akin na" sabi ko at habang pinipilit na abutin yung chips sa kamay nya

"Kumuha ka doon sa ref" sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin, pero pumunta pa din ako sa ref para kumuha ng chips at chuckie

"Ano'ng plano mo ngayon?" tanong nya pagkabalik ko sa sala

"Hindi ko pa alam" sagot ko ulit habang iniisip ng mabuti kung anong gagawin ko bukas pag nagkita kami

"What if, imbestigahan natin?" suhestiyon nya kaya napalingon ako sa kanyan bago sya tawanan "bakit ka natawa ha Alys?" tanong nya

"Maka imbestiga ka naman kase" sabi ko sabay tawa

"Nagpalit na ako ng course e" seryosong sabi nya kaya napatigil ako sa pagtawa kaya nanlaki ang mata ko at dahan dahan syang nilingon na parang nasa pelikula "HAHAHAHAHA, ang panget mo uy, hindi bagay sayo maging artista" sabi nya habang tumatawa

Binato ko naman sya ng unan bago sya nginisian "Sira, mukha ba akong nangangarap maging artista?" sabi ko sabay tayo para ibalik sa ref ang chips na natira ko "Good night matutulog na ako" sigaw ko bago pumasok sa kwarto

"Amporkchop ako panga maglilinis" dinig kong sabi nya pero hindi ko na pinansin sa halip ay dumeretso na ako sa banyo para maligo, pakiramdam ko ay ang dumi ng balat ko

Kinabukasan, hindi muna ako nag-pasundo kay Keiko dahil may da-daanan pa kami ni Danica bago pumasok, ganon din mamayang hapon dahil mag-kikita kami nila Fiona sa mall, pumayag naman si Keiko dahil may pupuntahan din daw sila nina Kevin

"Nasaan na si Sophia?" tanong ni Jayden na kaka-galing lang sa counter kasama si Gray

"Papunta pa lang daw, ihahatid daw sya ng boyfie" maarteng sabi ni Alen kaya natawa ako

"Bakla amp" sabi ko agad naman nya akong sinamaan ng tingin, akmang babatuhin nya ako ng plastic bottle nang biglang dumating yung order namin

"Bleee" sabi ko sabay dila, nang-aasar

"Imma-" hindi na natapos ni Danica yung sasabihin nya nang unahan namin sya ni Alen

"Subukan mong ituloy" sabay naming sabi habang malaki ang matang nakatingin kay Danica

"Ano namang naisipan nang Stefan at ihahatid ang Sophia?" tanong ni Jayden habang pinupunasan yung plate na gagamitin namin

"Protective ang lolo mo" sabi ni Danica kaya natawa kami

Fly Your Dream (Drudgery Series 1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora