21

75 18 0
                                    

"Seryoso ka na dyan? hindi na yun mababago?" tanong ko kay Danica habang nag-sosoot nang heels, nandito na sya para sunduin ako dahil sabay daw kaming pupunta sa meeting

"Oo at isa pa wala naman ako'ng mababago doon besides family naman nila ang may-ari nang business na yun" naka-ngsisng sabi nya na para ba'ng sinasabi na wala ako'ng takas

"Eh ako? ba't ba ako nadamay sa meeting na yan?"

"Dzuh, nag-agree ka kaya sa'kin" sabi nya habang nag-lalagay nang liptint na nakuha nya sa lamesa ko

"At kelan ko naman sinabi yon? wala ako'ng matandaan" naka-kunot ang noong sabi ko habang inaayos ang pouch ko nang make-up sa table ko

"Nung nakaraang linggo" sabi nya kaya napaisip ako, wait hindi naman kami nag-kita noon pero nung sabado oo kasi inaya nila ako'ng pumunta sa bar "yes, noon kita tinanong, lasing kasi tsaka moral support na din" naka-ngising sabi nya kaya napa-irap ako

"Planado" napapa-iling ko'ng bulong, narinig ko naman ang mahinang tawa nya

"Tara na" aya sakin ni Gray habang naka-silip sa bintana na'ng sasakyan nya, hindi ko man lang alam na mag-kasama pala silang dalawa, at sadyang iniwan pa ni Danica si Gray dito?

"Saan ba tayo mag-memeeting?" tanong ko habang naka-upo at naka-tanaw sa labas nang bintana

"Sa company nila mismo" sagot ni Danica na nasa frontseat

Natahimik na lang ako habang nasa byahe kami pero silang dalawa nag-uusap sila sa hindi ko alam kung ano

Matagal na panahon na din ang lumilipas yet hindi padin nabubura yung sakit, sakit na hindi dahil sa pag-hihiwalay kundi galit kasi pakiramdam ko kung hindi umalis si Daddy para pumunta nang France hindi sya maaksidente, galit sa sarili ko dahil na sa'kin lahat nang sisi sa pagkawala ni Daddy

Kasalanan ko ba yun? nasaktan din naman ako, sakit, sakit kasi pati yung Mommy ko na sya na lang yung makakapitan ko nung panahong wasak ako galit din sakin, hanggang ngyon naman siguro sino ba namang hindi? asawa nya yung katuwang nya sa buhay tapos mawawala sa kanya. 

Pero siguro ganon na lang kabait sakin ang Diyos, dahil hindi naman nag-tagal ang galit nya, it takes 1 year bago nya matanggap na wala na talaga si Daddy, pero ako? tanggap kona matagal na pero parang hindi padin ako sanay. Pitong taon na ang nakakalipas pero hindi parin ako sana'y

"Nandito na tayo" sabi ni Danica na naunang bumaba, agad ko namang pinunasan ang mga hilam na luha na hindi ko namalayan na umaagos na pala

"You okay?" tanong ni Gray na hindi ko namalayang naka-tingin na pala saakin, agad ko naman syang nginitian bago tumango

"Sya sige na, lumabas ka na ipaparada ko pa 'to" sabi nya kaya agad ako'ng bumaba para puntahan si Danica na nag-hihintay sa lobby pinag-taasan nya pa ako nang kilay na parang tinatanong kung bakit ngayon lang ako pero sa halip na sagutin ay umupo na lang ako sa gilid nya para hintayin si Gray

"The three of you, you we're late" bungad samin ni Keiko pagkapasok namin sa conference room kaya napataas ang kilay ko

"How rude my son" his Dad chuckled, "It's okay, have a seat" sabi nya saming tatlo kaya agad ako'ng pumunta sa bakanteng upuan sa katapat nang upuan ni Keiko as if iI have a choce, nauna na si Danica sa katabing pwesto ko

Halos mapa-irap na ako nang makita ko sya'ng nakangisi bago tumingin sa Daddy nya, yumikhim naman si Ate Kasey nang makita ang ginawa ni Keiko bago ako lingunin para ngitian kaya tinanguan ko na lang sya

Mabilis na nag-simula ang meeting nila at hindi ako makapakinig nang maayos dahil pakiramdam ko may naka-tingin saakin, grr bakit ba kase ako napasama sa meeting nato? pati ako nadamay pa dito eh hindi naman sakong nang ABM or Tourism to

Fly Your Dream (Drudgery Series 1)Where stories live. Discover now