Kabanata 15

661 14 7
                                    

Kabanata 15

Insecure

''Ang ganda mo, ah! Iba talaga hangin ng Estados Unidos!'' Steph complimented me after I entered the classroom. Umakbay siya sa 'kin nang buksan ko ang pinto ng room. Ngumisi ako sa kanya at dumiretso nang umupo. 

Pansin kong bakante ang katabing upuan ko, siguro'y wala pa si Lia. Hindi pa rin naman nagsisimula ang klase kaya't walang problema. Kukwentuhan ko na lang siya mamaya kung sakaling dumating siya.

Binaba ko ang dala kong tote bag at ang mga pasalubong na binili ko galing sa California habang pinalibutan ako ng aking mga kaibigan. Ang iba ay umupo sa mga bakanteng upuan, habang ang iba naman ay sa desk. Some of our classmates' malicious glances are very evident that's why I raised my eyebrow, trying to make an expression. Nag-iwas ng tingin ang iba kaya't umirap ako.

Wednesday ngayon kaya't pwedeng mag suot ng kung anong gusto namin. I wore a simple black puff sleeve dress and a pair of black mules. Halata ang kulay ng buhok ko dahil ginto iyon kaya't hindi nakakapagtakang pansin ng mga kaklase ko ang pagbabago sa 'kin.

''Galing kang US, Lucy? Do'n ka nag bakasyon? Do'n ka rin ba nagpakulay? Big time, ah! Ang ganda mo lalo!'' namamanghang sabi ni Bea. Hinawakan niya pa ang malambot kong buhok at kung ano-ano ang ginawa.

''Hindi. I had my hair done yesterday. Sa SM Manila,'' sagot ko ng nakangiti at yumuko. Kinuha ko ang mga pasalubong ko para sa mga kaibigan ko. Mga nasa paper bag iyon at para kay Steph, Bea, and Cyrille. Simple lamang naman ang mga binili ko, wallet at perfume lang. I bought it from a mall in US and I automatically knew that they'd like it. A Jo Malone perfume and leather wallet. Habang ang kay Liana naman ay kung ano-anong brand ng coffee beans at mga libro.

Lia loves coffee so much. Halos 'yon na nga ang dumaloy sa dugo niya, e. Kaya sigurado akong magugustuhan niya 'yon!

Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakapalibot sa akin. Cyrille's not here. Tanging si Bea at Steph at ang ibang nakakahalubilo ko.

I looked at the other side of the room and saw Cy seating on the upper left corner of the room alone. Bakit nando'n 'yun? Ayaw niya bang lumapit dito?

''Huh? Ang lapit lang no'n, ah! Bakit hindi ka pumasok?'' tanong ni Steph. Nakaupo siya sa desk habang nagtatakang nakatingin sa 'kin.

''Oo nga! Ang sabi mo pa naman sa text, papasok ka! Hinintay ka pa naman namin. Kami lang ni Steph ang magkausap kasi badtrip si Cyrille,'' humagikhik si Bea. ''Saka nakita ka ni Ariane, nasa hallway ka raw. Bakit 'di ka tumuloy sa room?'' ani Bea ulit.

Napakurap ako ng ilang beses at pagkatapos ay napapikit nang mariin. Ano ba 'yan! May nakakita pala sa 'kin kahapon! Pa'no ko sasabihin sa kanila na pinagsalitaan ako ng masakit ni Jarrell?

Ayoko namang sumama ang image niya sa kanila 'no! Saka.. kinaya ko naman, e.

''Ah!'' I laughed awkwardly. ''Ano.. Uhm.. Papasok dapat ako kahapon but I realized na nagpabook pala ako ng appointment sa salon,'' tumawa ulit ako at napakamot ng ulo. I have no other way to reason out other than this.

Kasalanan mo 'to, Jarrell! Bwisit ka!

''Naku, sayang! Nakita pa naman namin si Jarrell saka si Javier! Hinahanap ka nga, e.'' ani Bea.

Napalingon ako sa kanya at napaayos nang pagkakaupo. Ano? Ako? Hinahanap ni Jarrell?! Eh, sinungitan ako no'n kahapon, ah! Gago ba siya? Ano 'yon? Totopakin siya tapos biglang magbabago ng mood?! 

''Huh? Hinanap ako ni Jarrell?'' 

Napatawa si Bea. ''Anong Jarrell? Asa ka, girl!'' binatukan niya ako habang maliit na tumawa. ''Si Javier ang naghanap sa 'yo!''

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon