Kabanata 17

636 11 1
                                    

Kabanata 17

Sampalok


''That's it for today everyone. All of the readings given to you today will be tackled next meeting. I'll be calling names for recitation. Please prepare for the possible questions.'' 

Pagkatapos sabihin ng professor namin ang mga katagang 'yon ay dumiretso na siyang lumabas, habang ako naman ay dali-daling inayos ang mga gamit ko at ipinasok ang mga 'yon sa bag ko dahil pupunta pa 'ko sa university gym para manood ng practice game nina Jarrell.

Late na 'ko dahil nag overtime ang professor namin at napahaba ang discussion. Kulang na lang ay patakbuhin at paliparin ko ang oras kanina dahil gusto ko na talagang makita ang boyfriend ko.

Oo. Boyfriend ko!

Napangiti ako sa aking isip. I still couldn't believe that I'm dating him now! Kagabi ay para akong lumilipad sa alapaap dahil sa saya kahit na hindi pa rin ako makapaniwala. 

Hello?! Sinong hindi matutuwa kung dinidate mo na ang dating crush mo lang?!

Para akong nabubuhay sa isang panaginip kagabi. At kung panaginip nga 'yon, ayoko na lang magising! Dito na lang ako habang-buhay!

Buti na lang ay hindi na masyadong naki usyoso sina Daddy kagabi. They respect my decision to keep it private as of the moment and I'm happy with that. Siguro, kung mas komportable na ako sa sitwasyon ay ipakikilala ko na siya.

''Aalis ka, Lucy?'' tanong ni Liana. 

Tumayo na 'ko at sinabit sa balikat ko ang bag ko. ''Oo, e. Bakit? Hindi ba nag-aya si Toran ngayon? No after class dates?''

Ngumuso siya. ''Wala, e. Busy kasi siya ngayon, may exam daw kaya't hindi siya makakaalis agad. Sa ibang araw na lang,'' aniya at bumuntong hininga. ''Tara? Kain tayo sa mall!''

''Sorry, Lia babe. Alam mo naman ang schedule ko after class, 'di ba?'' wika ko sa malambing na tono. Isinabit ko ang braso ko sa braso niya. Baka magtampo na siya sa 'kin, e! 

''Wala pa rin bang improvements diyan sa crush mo?'' ngumiwi siya. ''Sa iba ka na lang kaya? Marami pa naman diyan. Maraming kaibigan si Toran na.. tipo mo. Mas gwapo pa riyan sa crush mo!''

Natawa ako. ''Ayoko sa iba. Si Jarrell ang gusto ko!'' Tinignan ko ang wrist watch ko at nakitang twenty minutes na pala simula nang nag simula ang practice game ng team. ''Saka siya ang pinaka gwapo para sa 'kin, 'no! Oh siya, Lia. Una na 'ko ha? Kailangan ko na talagang umalis at baka wala na akong maabutan! Text me kapag naka-uwi ka na, ha?'' I quickly kissed her cheek.

Hindi ko na siya hinintay sumagot at dumiretso na ako sa pinto. Inayos ko pa ang magkakasabit ng dala-dala kong bag dahil nahuhulog na 'yon. Napag-pasyahan namin nina Bea na sa gym na lang magkita dahil hindi sila pumasok sa last subject ni Stephen.

Habang si Cy ay hindi ko alam kung pupunta ba o hindi. Hindi niya ako pinapansin simula kaninang umaga at wala akong oras para suyuin siya. She irrationally acted as if we did something wrong to her and she's not a kid to be taken care of. Wala naman kaming ginawa sa kanya. Pero kung gusto niya naman sumama, okay lang.

''Oh! Akala ko busy ka?'' gulat kong tanong nang makasalubong ko si Toran sa hagdanan. Napatigil ako sa paglalakad at pinasadahan siya ng tingin. Nakasuot siya ng puting long-sleeve polo na nakatupi hanggang siko at may dala-dalang bouquet of roses! Maayos ang pagkakagawa no'n at mukhang pinaghandaan. Katulad ng dati, clean cut pa rin ang buhok niya at ang gwapo pa rin talaga.

He smiled at me. ''No. I used it as an excuse. Gusto ko sana siyang surpresahin,'' pinakita niya ang hawak niyang mga bulaklak. ''Nasa taas pa ba siya? I didn't text her about her whereabouts kasi baka mahalata niya 'ko,'' tumingin siya sa second floor, tila tinitignan kung nariyan pa ang girlfriend niya.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon