Kabanata 26

795 11 19
                                    

Kabanata 26

3 years


''Lucy!'' sigaw ni Jarrell habang patuloy akong hinahabol. Everyone was looking at us in the lobby but I do not care anymore. 

Gusto ko lang makaalis sa lintek na lugar na 'to.

''Do not fucking follow me!'' sigaw ko pabalik.

I'm only seeing red now. I can't see the point of talking now when he bluntly said that he's single!

Hindi na maibabalik 'yong sinabi niya. I'm hurt, yes. But I'm more disappointed and enraged! Matatanggap ko pa sana kung sabihin niyang may girlfriend siya, pero hindi niya sasabihin kung sino. Pero ang sabihin na wala?

That's stupid. He's stupid! 

''Lucy! Fuck! Please!'' 

Napahinto at napaharap ako sa kan'ya. His eyes were bloodshot. His expression says that he look pained and weary. Mas lalo akong nagalit. Anong karapatan niya para ipakita sa akin na nasasaktan siya ngayong ako 'yong ginago niya?

Agad kong hinaklit palayo ang braso ko. 

''I told you not to follow me! At pwede ba?'' Tinulak ko siya palayo at tinuro. Nanginginig ako dahil sa galit. ''Huwag mo akong hawakan!''

''Let me explain! It's not what you think, Lucy!'' giit niya at sinubukang hawakan ang kamay ko pero malakas kong tinapik 'yon paalis. I don't want him to touch me!

''Ang sabi ko, huwag mo kong hawakan! Ang kapal ng mukha mong sabihin na single ka, na wala kang girlfriend tapos ngayon, maghahabol ka sa 'kin?!'' sigaw ko. ''Ang kapal ng mukha mo!''

Napalunok siya. He looked around, as if he's getting ashamed of the attention he's getting. Mayroong mga nagvi-video sa 'min kaya siguradong anxious siya dahil kilala siya ng marami.

But do I care?

I don't!

''Let me explain, please?'' he said with so much frustration. Umiwas ako ng tingin dahil bukod sa nagulat ako sa desperasyon niya, nakaka-distract din ang dugong tumutulo sa noo niya. He's also still half naked here in the lobby! ''Let's talk somewhere private..''

Umigting ang panga ko. ''Hindi. Ayoko. Dahil ano pang sense ng lintek na pag-uusap na 'yan?'' 

Muli na namang namuo ang luha sa mata ko nang maalala kung paanong hindi siya nag dalawang isip na sabihing single siya— na para bang wala ako sa buhay niya. 

Ilang beses akong nag-isip kung kumusta na ba siya, kung ayos lang ba siya, o kung mayroon bang nangyari dahil hindi siya sumasagot sa kahit anong text at tawag ko. I made an effort to go where he is at, cooked for him, only to see him with his ex, and hearing how he denied me!

Tangina. Ang sakit. Nakakainis.

Pinunasan ko ang luha ko. ''Single ka, 'di ba? Edi panindigan mo.'' Napalunok ako. I don't even know if I'm doing the right decision. ''Si Ely? Ex mo, 'di ba?''

Umawang ang labi niya, gulat. Akala niya siguro hindi ko alam. Akala niya siguro hindi ko malalaman na, e' halos lahat ata ng taong may koneksyon sa kan'ya ay ilan beses akong sinabihan tungkol sa ex niyang mahal na mahal niya.

I swallowed hard by the thought of it. Ely is pretty. She's extremely pretty compared to me. She looks smart and nice, too. Kung ikukumpara ako sa kan'ya, walang-wala ako. 

I'm dumb. Realistically speaking, I am dumb. I have no path in my life. Ni wala nga akong pangarap, e. Tapos ngayon, nagmamahal ako ng lalaking kailanman ay hindi sinabi kung mahal niya ba 'ko. Ako naman si gaga, sumubok.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon