Kabanata 11

623 11 2
                                    

Kabanata 11

Santa

Pagkatapos naming kantahin ang university hymn ay agad kong pinulot ang shoulder bag sa upuan at sinabit sa balikat para makalapit sa court. 

Simula nang nagsimula ang UAAP season ay ginawa ko ng tradition ang magpapicture kay Jarrell. I'd always find a way to have a chance to come near him and ask to have a photo with him kahit madalas ay nagmamadali sila o 'di kaya ay hindi kami pinapayagang pumunta sa court. 

Hindi ko alam pero natutuwa na ako sa mga munting interaction naming dalawa sa pamamagitan ng litrato. Better than nothing, right? Buti na lang ay nandyan si Cyrille dahil kilala siya ng team at pinapayagan kaming makalapit.

Nang naayos ko na ang mga gamit na dala ko ay muli kong pinasadahan ng tingin ang basketball court. Ang ibang player ay paalis na at ang mga coaches nila ay wala na rin. Mukhang nakapasok na sa locker room. Tila hangin ang mga taong nandito kanina dahil sa bilis nilang nawala.

This is always the sight I see whenever I watch. Hindi ko naman kinababahala na hindi ko nakakausap ang ibang team mate ni Jarrell dahil wala naman akong pakialam sa kanila. Well, we can be friends but maybe not now. Atsaka, si Jarrell naman ang gusto kong kausap. A valid reason why I'm not interacting with them. Maybe Cyrille can entertain them instead?

Nang nahagip ng mata ko si Jarrell ay kinagulat ko nang nakitang nakatingin siya sa direksyon ko. Napatigil ako sa paglalakad dahil mukhang seryoso at malalim ang tingin niya, tila may hindi nakakatuwang nakita. I wasn't able to smile immediately because I was taken aback with his sudden look. Hindi naman siya ganito palagi at madalas ay iniiwasan lang ako ng tingin.

Nakasampay pa rin sa balikat niya ang puting tuwalya at nakapamewang habang nakatingin sa banda ko. Behind him is Kobe Albuerto, one of his team mates.

I held my bag firmly as I tried to wave at him. Sinamahan ko pa ng ngiti para malaman niyang masaya ako dahil sa pagkapanalo nila. But opposite to what I thought, mas lalo lang kumunot ang noo niya at mukhang mas tinitigan ako dahil sa pag tagilid ng ulo niya mula sa malayo. 

Why? What's the problem? Did I do something wrong? Wala naman ah? I only cheered! Well, I was loud but it's natural since this is a game! May mali ba ako do'n?

''Excuse me, hija,'' rinig kong sabi mula sa isang malalim na baritonong boses.

Tinignan ko ang likod ko at nakita ang isang matangkad na morenong lalaki. He looks old with his wrinkled skin but is masculine nonetheless. Nakasuot siya ng isang puting polo shirt at naka tuck in iyon sa pantalon niya. May relo rin sa kaliwang braso. He looks like someone who played basketball before if I'm going to base it on his physical appearance. Hindi ko lang sigurado kung tama ba ang hula ko o bida-bida lang ako.

He looks familiar and serious. Ang blangko niyang mga mata ay tila nakita ko na kung saan. Hindi ko lang mapagtanto kung kung kanino, kailan at saan.

''Oh. Sorry po..'' sagot ko.

Tumabi ako upang makadaan siya. Tahimik kong hinintay na makababa siya upang dumiretso na palabas. But when he stoop down, he stopped for a bit, standing a little wobbly. Nakita ko ang pagtingala ng kanyang ulo at nakitang tumingin sa court.

I got curious that's why I looked where he is looking, too. Napataas ang kilay ko nang nakitang nagkatingin sila ni Jarrell. Umiwas agad iyon ng tingin at ang matandang katabi ko ay umiling-iling nang dumiretso palabas.

My brows furrowed. Who is he? Was I wrong all along? Siya ba ang tinitignan ni Jarrell kanina at hindi ako? Now that I noticed it, magkamukha sila kung magbabase ako sa pisikal na itsura! Parehas na matangkad at moreno. Halos tumingala na nga ako dahil sa haba noong lalaki. Ang hugis ng labi na tila banyaga ay parehas sa isa't isa. Hindi ko lang nakita ang buhok noong matanda dahil naka ballcap iyon. 

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon