Kabanata 2

865 17 5
                                    

Kabanata 2

Madayaw


Today is the Madayaw Festival, an event to formally welcome the freshies. Pwede kaming hindi pumunta ni Liana dahil second year naman na talaga kaming dalawa, but I won't let it pass! Baka roon ko pa makita si Jarrell, e.

I wore a simple v neck shirt and a black high waisted jeans. Pinareha ko iyon sa isang puting sneakers galing sa isang kilalang brand. Nag suot din ako ng medium size hoop earrings para naman may dating.

''Manang, ilulugay ko ba ang buhok ko o itatali na lang?'' I pouted.

Nakaupo ako sa harap ng puti kong vanity mirror. It's still early and I have time to prepare. Ayoko namang dumalo sa unang event ng school na pangit ako. I have to, at least, be presentable.

''Masyadong malaki ang hikaw mo. Ipupusod ko para naman ay mas makita.''

I nodded. I let her do her thing. Ginamit ko na lang ang cellphone ko at nag scroll sa social media accounts ko. Puro mukha na ng players ng basketball team at ni Jarrell ang feed ko. I'm not complaining, though.

Bakit naman ako magrereklamo kung puro gwapo ang nakikita ko, 'di ba?

''Ayan, okay na. Nagpaalam ka na ba sa Daddy mo?'' aniya at hinarap ako.

''Opo. Gusto pa rin akong pag commute-in. Wala naman akong magawa kasi busy si Kuya Ismael and Roman,'' I stood up. ''Salamat, Manang! Una na po ako.''

Nginitian niya ako tumango. She stayed in my room to clean it. Gusto ko sanang ako na lang pero pinigilan niya ako kanina. Parte raw ng trabaho niya iyon kaya't hinayaan ko na.

Liana handed me a coffee. Halos parehas kami ng suot pero mas maganda talaga siya. She looks so innocent but her appeal is sexy. Sana ganoon din ako. 

''Sa CS building tayo kasi do'n daw ang pila sabi sa group chat. May mga kaibigan na ako sa room pero hindi ko gusto ang iba. Mga may ugali e hindi naman magaganda,'' I rolled my eyes.

Malapit na kami sa gate kaya't binuksan na naming dalawa ang tote bag para ipa-check sa guard. When we were done, we proceeded to talk.

''Si Ariane ba? Mabait naman iyon. Si Ella rin.''

''Hindi! Si Nicka, kilala mo? Porket cheerleader akala mo kung sino! Muntik na akong matapunan ng kape no'n nung isang araw! Siya sana pagpupunasin ko kaso nagmamadali raw siya,'' umirap na naman ako.

''Huwag ka rin kasing masyadong magaslaw. Ang likot mo, e.''

Ngumiwi ako. ''Huwag kang lalapit do'n. Mamaya sa 'yo pa mag-maldita 'yon. Ako lang dapat ang magmamaldita sa 'yo.''

She smiled at umiling-iling. Nasa falcon bridge na kami at pumila. Nahiwalay ako sa kanya dahil kausap ko si Cyrille, ang isa sa mga blockmates namin.

''Ikaw yung host noong orientation, 'di ba?'' wika ko habang nakasandal sa railing ng bridge.

I saw her once before finally meeting her in our class. Siya 'yong isa sa host noong orientation namin.

''Yup! Hindi kita na pansin do'n. Nasaan banda ka?'' 

''Ah! Nasa harap lang. Baka pre-occupied ka masyado sa pagsasalita,'' I looked at her. Maliit kasi siya at hanggang balikat ko lang. Parang dwende sa liit.

''Bakit pala ikaw yung host e first year ka pa lang, 'di ba?'' dagdag ko.

''Second year na 'ko, katulad ninyo. Hindi lang halata,'' humalakhak siya. ''Teacher yung Mama ko sa BED kaya familiar na yung iba sa akin. Ako yung kinuha.''

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon