Kabanata 16

667 11 4
                                    

Kabanata 16

Challenge

''Lucy! Jarrell!'' rinig kong sigaw ng mga naiwanan namin sa gym.

Hindi ko na nalingon ang mga sumigaw dahil hila pa rin niya 'ko papunta sa kung saan. Kitang-kita ko ang ugat sa braso niya at ang mabilis niyang paghinga. His grip is tight that I can almost feel pain in my wrist. Hindi ko alam kung bakit ba siya biglang lumapit at sinampal palayo ang kamay ni Javier sa 'kin, e nagpapakilala lang naman 'yong tao. He suddenly showed up and acted as if we did something wrong to him! Ano'ng problema nito?

Pero okay lang. Gusto ko naman. Tinatanong ko lang, 'di naman ako nagrereklamo. Napangiti ako sa aking isip.

''Magtatanan na ba tayo?'' humagikhik ako. ''Kailangan ko na bang umuwi at mag impake? Ilang anak ang gusto mo?''

Tumigil siya sa paglalakad nang marahas niyang binuksan ang pintuan para makapasok kami sa isang kwarto. I heard a tiny noise when he maneuvered something on the door knob. Hindi ko na masyadong napagtuunan ng pansin iyon dahil pinasahadahan ko ng tingin ang lugar kung nasa'n kami. 

I immediately assume that this is their locker room. Sa matataas na cabinet pa lamang ay alam ko na agad kung nasa'n ako. Ang itim na locker cabinet ay nasa dalawang gilid ng kwarto, mukhang matagal nang ginagamit. Maraming kalat at karamihan do'n ay mga t-shirt, jersey tops, and bottoms. May mga bola at sapatos sa sahig.

This room is too small for the two of us. Pakiramdam ko, ang lapit-lapit niya sa 'kin kahit may distansya naman ang espasyo naming dalawa.

Tinitigan ko siya at sinubukang pigilan na ngumiti. Ang gwapo niya talaga. Now that he's infront of me; close to my presence, mad and hot, I can't avoid but to adore him more. With his godly-like features; well-defined jaw, plump lips, sharp nose, and ocean-like eyes, I couldn't help but to fell for him harder. Idagdag pa ang cute niyang kulot na buhok. Ano kayang pakiramdam na hawakan 'yon?

''Anong gagawin natin dito?'' inosente kong tanong habang nakangisi. ''Ang wild mo naman. Dito talaga natin gagawin?''

Marahas siyang bumuntong hininga. Ang pag-aalaga niya sa kanyang pasensya ay ramdam na ramdam ko. 

''Anong ginagawa mo?'' mariin ang tonong gamit niya, tila nagpipigil. Nakahawak pa rin sa braso ko habang nakakunot ang noo niya, halatang-halata ang pagiging iritable. I moved my wrist a bit so his grip would loosen up ngunit mas humigpit lamang iyon.

''Me? What did I do?'' sagot kong nagmamaang-maangan. ''Wala naman akong ginawa, ah? Ako ba yung lumapit? Si Javier 'yon!''

''I told you to stop. Why can't you listen? At talagang pumunta ka pa rito?'' 

I smirked. ''Bakit ako titigil? Gusto kita pero hindi ibig sabihin no'n, alipin mo na 'ko,'' mariin kong sagot habang nakangisi pa rin.

Humakbang ako ng ilang beses para mas mapalapit sa kanya. I know I have always been transparent with my feelings for Jarrell but saying it right infront of him still made me nervous.  

''Why are you mad, anyway? Was it because I'm starting to annoy you? O dahil..'' naningkit ang mga mata ko at tinitigan ang labi niya. ''I'm starting to have an effect on you.. for some reasons? Tell me,'' I traced my fingers on his jaw. His forehead creased.

Hahawakan ko na sana ang pisngi niya nang mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko, pinigalan ang muli kong paghawak sa kanya. He stared at me with the same burning look I gave him. ''Why can't you listen? Ang kulit-kulit mo.''

I chuckled. ''Gusto nga kasi kita. Gustong-gusto. 'Di mo ba naiintindihan?'' mas lumapit ako sa kanya ngunit humakbang siya patalikod kaya't humakbang rin ako papunta sa kanya.

Lay A Glance On Me 1 (Lost and Retained #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon