CHAPTER 25

209 3 0
                                    

Clary POV -

Kasalukuyan kaming nasa sasakyan ni Herbert . Papunta kami ngayon sa Harson Academy dahil pinag utos ni Dark Prince na kausapin namin si Principal Beverly tungkol sa kanila istuyanteng si Scarlet Monroe.

Binabasa ko ngayon ang file tungkol kay Scarlet Monroe na interesado ako ngayon malaman kung sino ba talaga si Scarlet.

Nabasa ko sa mga file niya ay galing siya sa Monroe Family kunsaan sikat ang mga magulang niya pag dating sa mga alak at tinapay.Nag iisang anak lang siya ng mga Monroe at isa sa pinaka matalinong istuyante ng Harson Academy.

Napa hinto bigla ang aming sasakyan kaya napa tingin ako sa labas ng binta at nakita ang pangalan ng Harson Academy .

Nakita kong isinara na ni Herbert ang librong kanyang binabasa at bumaba na sa sasakyan kaya gayundin ang aking ginawa.

Pag kalabas namin ay tumambad sa akin ang malaking gusali ng Harson Academy.

Nag umpisang nag lakad si Herbert pa pasok sa loob kaya gayun rin ang ginawa ko.

Pinapasok naman kami kaagad ng nag babantay kaya wala kaming naging problema sa pag pasok.

Habang nag lalakad ay may natanaw kaming babaeng papalapit sa amin ng makalapit siya ay nag pakilala naman siya kaagad sa amin ni Herbert.

"Magandang umaga po sa inyo ako pala si Mrs Beverly ang Principal ng Harson Academy".

Nakita kong inilahad ni Mrs Beverly ang kanyang mga palad kay Herbert at agad naman itong kinamayan ni Herbert gayundin ang aking ginawa.

Narinig kong nag ipina kilala ni Herbert ang kanyang saril kay Mrs Beverly.

"Ako pala si Herbert at itong kasama ko naman ay si Clary nandito kami dahil humihingi ka ng tulong sa prinsepe, tama ba Mrs Beverly?"

Agad naman tumango si Mrs Beverly bago kami inayang igala muna sa Harson Academy.

Tumingin muna sa akin si Herbert bago tumango kay Mrs Beverly.Puyag kaming gumala muna dito sa loob ng Harson Academy dahil gusto namin makita ang pakay namin ni Herbert.

Habang ginagala kami ni Mrs Beverly sa Harson Academy ay may babaeng lumapit kay Mrs Beverly kaya napa hinto rin kami sa pag lalakad.

"Ma'am Beverly hinahanap po kayo ni Sir Lopez may kaylangan daw po kayong pirmahan"

Hinarap kami kaagad ni Mrs Beverly na may halong pag alala sa kanyang expresyon bago nag salita.

"Ayos lang ba kung iwanan ko muna kayo rito,saglit lang naman ako at pag kabalik ko ay pupunta na tayo sa principal office"

Tumango lang kami ni Herbert sa kaniya . Narinig ko pang humingi ng pasensya si Mrs Beverly sa amin bago umalis pero hindi kona ito pinansin dahil na kita kona ang kanina kopa hinahanap.

Tinawag ko si Herbert kaagad kaya na kuha ko ang kaniyang atensyon bago lumapit sa akin.Nasa kabilang gusali kami ng Harson Academy at na sa pangatlong palapag kaya kitang kita mula rito ang mga classroom

Nasa kabilang gusali naman at pangala wang palapag ang kanina pa naming hina hanap ni Herbert.

Pinag mamasdan namin ang bawat galaw niya. Nakita kong may mga kasa siyang dalawang babae at malang mga kaibigan niya.

Nakita naming pumasok na ang mga kasama niya sa isang classroom nag taka ako ng bigla nalang siyang napa hinto at lumingon lingon kung saan bago pumasok.

Bigla nalang nag salita sa tabi ko si Herbert kaya napa tingin ako sa kaniya habang siya ay naka tingin parin sa classroom kung saan pumasok ang babaeng pakay namin.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon