CHAPTER 73

143 2 0
                                    

Matapos naming maihatid ni Evenin lahat ng libro at patirin ang sulat na ipinabibigay ni dark prince sa librarian ay agad ding kaming umalis sa library dahil malapit ng mag hapunan.

Niyaya pa ako ni Evenin na sabay na lang kaming pumunta ng dining hall pero tumanggi ako at sinabi sa kanya na kelangan ko munang pumunta sa room kung saan kami na tuloy ni Carla at ng ibapang special student.

Nag paalaman na kami dalawa sa isat isa at nag pasalamat nadin ako sa kanya dahil sa pag tulong nya sakin.

Nakarating na ako sa kwarto ko at agad na inilapag ang gamit sa kama.Nag ayus muna ako ng kaunti bago lumabas ng kwarto.

Pagka labas ko ng kwarto ko may isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin kaya napa tingin ako kung saan.

"Scarlet!"

Na kita ko si Jessica na nag lalakad at papalapit sa akin kaya ngumiti ako at binati siya ng maka lapit na siya sa akin.

"Hi Jessica"

"Papunta kanaba ng dining hall?"

Tanung niya sa akin at ako naman ay tumango agad bago nag salita.

"Ahh...Oo bakit?"

"Sabay na tayo intayin mo lang ako may kukunin lang ako saglit"

Tumango naman ako sa kanya at inantay siyang kunin kung ano ang kukunin niya.Dinaman siya nag tagal at lumabas din ng kanyang kwarto.

"Ngayon kapalang ba pupunta sa dining hall Jessica?"

"Hindi ng galing na ako duon,bumalik lang ako dito dahil na iwan ko yung dalawang book ko sa kwarto"

"Nanbuon naba si Carla sa binning hall?"

Tanung ko sa kanya at siya naman ay tumango sa akin bago muling nag salita.

"Oo nanduon na sya ,sabay kaming nag punta kanina sa binning hall.Na pansin konga kanina dika kasama ni Carla sabinya sakin may pinuntahanan kadaw"

"Ahh...ganun ba,ok tarana baka hinahanap na ako ni Carla"

Tumango naman siya sa akin at niyaya ko na siyang pumunta sa dining hall para makapag hapunan na kami.

_______________TIME_SKIP_______________

Na karating na kami ni Jessica sa tapat ng malaking pintuan ng dining hall at agad ding pumasok.Maingay na ang buong paligid ng dining hall dahil sa ingay ng mga estudyante.

Nag hiwalay din kami agad ni Jessica ng makita kona sina Carla ay agad akong lumapit sa kanya at kinulbit siya.
Lumingon naman ito sa akin at nagulat pa dahil sa biglaan kong pag sulpot sa likuran niya.

"Hi"

"Scarlet, tara dito ka maupo"

Yayasakin ni Carla at umusog naman siya para maka upo ako sa gitna nilang dalawa ni Amanda.Binati ko nadin sina Amanda, Jaze at Andrea ng makaupo na ako.

"Bakit ngayon kalang,may ngyari ba sa inyo na naman ni-"

Agad kong kinuha ang isang tinapay na nasa tapat ko at inilagay ito sa bibig ni Carla dahil malapit na niyang banggitin si Dark prince.

"Walang ng'yari kaya kumain ka nalang Carla"

Pinang lakihan ako ni Carla ng kanyang mata sabay tanggal ng tinapag sa bibig niya at kinagat muna ito bago nag salita

"Panong wala?"

Tanong niya sa akin at mag sasalita na sana ako ng mag tanong din sa tabi ko si Amanda.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon