CHAPTER 87

155 3 0
                                    

Amanda POV-

Matapos akong mahuli at kaladkarin palabas ng library ay idinala ako ng mga taga day class members ng newspaper club sa tinatawag nilang interview room.Kung saan ay iginapos nila ako sa upuan at inumpisahang tanungin ng mga taga night class tungkol kay Scarlet at sa relasyon nito sa dalawang prinsepe.

Halos lahat ng members ng newspaper club ay nandito ngayon maliban sa kanilang president. Simula sa anim na members ng day class students na humabol samin at pati narin ang anim pang night class students na members.

Tinignan ko ang buong paligid at napansin kong walang bintana kung saan. Tanging naging liwanag lang ng buong kwarto ay isang bumbilya na nasa itaas ng ulo ko.

Na ramdaman ko bigla na may kamay na humawak sa aking panga at bigla nalang akong iniharap ng ayos ng isang matangkad na lalakeng may kulay pulang buhok na taga night class.

"Tatangun kita ulit, sino ang karelasyo ni miss Scarlet sa dalawang prinsepe?"

Seryosong tanong sakin ng lalakeng nasa harapan ko pero tinarayan ko lang siya. Kita ko namang na iinis na siya sa akin kaya marahas niyang tinanggal ang kanyang kamay sa aking panga at sabay alis sa harapan ko.

"SUMAGOT KA!, WAG KANG BASTOS!"

Sigaw saking ng bruhang blonde na babaeng kasamahan niya at malakas na sinampal ako. Sa sobrang lakas ng pag kakasampal sakin ay halos tumabingi ang mukha ko at na hilo din bigla. Huminga ako ng malalim bago tumingin ng masama sa bruhang sumampal sakin at umayos ng upo.

"Ano sasagot kana ha?!"

Kanina pa ako tinatanong ng mga taga night class members na ito at isa narin itong babaeng bruhang blonde na nasa harapan ko na paulit ulit na nag tatanong pero wala akong isinasagot at sinisigawan lang sila.

"Gusto mo talagang malaman?

Seryosong sabi ko sa kanya at sabay ngumiti.

"Lapit ka, ibubulong ko sayo"

Utos ko at unti unti namang lumapit sakit si bruha. Duon kona kinuha ang pag kakataong i umpog ng malakas ang ulo ko sa kanya dahilan para matumba ito at mapahawak sa kanyang ulo.

"ARAY!, Why did you do that?!"

Sabay iyak at ako naman ay napa irap na lang kahit masakut ang ulo ko. Agad naman siyang nilapitan ng lalakeng may kulay pula ang buhok at itinayo. Pati narin yung isa pa niyang ka members sa night class na babae ay lumapit narin sa kanya

"Ayos kalang ba Sophia?"

Tanong sa kanya ng kasamahan niyang babae. Habang ako naman ay naka ngiting pinanonood siyang umiyak at mag sumbong sa mga kasama. Alam ko namang mag kakaroon akong ng bukol sa noo pero hindi ko na iniinda ang sakit dahil masaya naman akong makaganti.

"DUMB BITCH! Sa tingin mo talaga may sasabihin ako sayo?, ASA!"

Mapangasar na sabi ko. Tumingin siya saking ng masama habang hawak hawak parin ang kanyang ulo.

"Sa tingin mo din ba makakaalis ka dito?!, HINDI!"

Malakas na sigaw niya sa akin at sabay inalalayan siya ng kasamahan niyang babae na lumabas ng interview room. Apat na lalake nalang mula sa night class ang nandito ngayon at pati narin yung anim pang mga taga day class na pinanonood lang ako sa isang gilid.

"PAKAWALAN NYO KO!"

Malakas na sigaw ko at pilit na kumakawala sa upuan kung saan nila ako iginapos. Simula ng itali nila ako ay walang tigil kona silang sinisigawan at alam kong naririndi na sila sakin pero wala akong pakialam.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon