CHAPTER 60

138 1 0
                                    

Victoria POV -

Nan dito ako ngayon sa opisina ng pinsan ko para mag pahinga muna.Habang naka upo sa couch at nag babasa ng libro na pansin ko ang panay ngiti ng pinsan ko habang nag babasa ng hawak niyang libro.

"Bakit ngumingiti ka dyan?"

Tanong ko sa kanya na agad din naman niyang sinagot.

"Wala"

Simpleng sabi niya sa akin.Napataas ako ng isang kilay at hindi kumbinsibo sa sagot nya.

"Anong wala,kanina pa kita na papansing ngumingiti dyan kaya wag mong sabihin saking wala lang".

Mataray na sabi ko sa kanya.Hindi niya ako sinagot at agad siyang tumayo para lumipat ng pwesto sa kanyang lamesa.

Napa irap na lang ako at hindi nalang muling nag tanong dahil dirin naman niya sasagutin.

May bigla na lang kumatok sa pintuan at nakita kong lumapit ang pinsan ko para buksan ang pinto.Narinig kong may isang babaeng matandang boses ang nag salita sa labas at kausap ngayon ni Chester.

"Prince Chester naka handa na po ang lahat at ano mang oras pwede na po kayong pumunta"

"Maraming salamat po"

Nag taka ako bigla dahil wala namang nasabi ang pinsan ko sa akin na may pupuntahan siya ngayon.Nakita kong isinara na ng pinsan ko ang pintuan at napa tingin sa akin.

"Saan ka naman pupunta?, Wala kang na babanggit sa akin na aalis ka?"

"May kelangan lang akong kausaping importanteng tao".

Nag dududa ako sa sinabi niya pero tumango na lang ako at pekeng ngumiti.Tumayo na ako at unti unting nag lakad papalapit sa pintuan.

"Aalis muna ako may kelangan pa akong puntahan".

Paalam ko sa kanya at tumango lang ito sa akin.Tuluyan konang binuksan ang pintuan para lumabas.

Nag sinungaling ako sa pinsan kong may pupuntahan at ang totoo ay susundan kolang siya.

_______________TIME_SKIP_______________

Malapit lang ang pwesto ng pinag tataguan ko ngayon sa may hallway at Iniintay na dumaan ang pinsan ko para sundan ito kung saan ngaba siya pupunta.

Buti na lang walang mga estuyante ang nandito sa hallway kaya malaya akong makakapag tago.

May narinig akong nag lalakad kaya sumilip ako ng kaunti sa pinag tataguan ko at na kita ang pinsan kong may kasamang babae.

Na mukhaan ko ang kasama ni Chester .Siya yung babaeng pumasok sa secret garden.Inalala ko muli kung ano ang pangalan nya at sumagi sa isipan ko ang pangalang Scarlet.

"Tama syanga si Scarlet"

Mahinang sabi ko sa sarili.Hindi naman ako ulyani para makalimot ng isang simpleng pangalan lang "Tsk".

"Sabi mo ipapa sundo mo ako ehh... bakit ikaw ang nag sundo sa akin?"

"Wala lang gusto kitang makita kaya ako na ang nag sundo sayo".

Ngumiti si Chester kay Scarlet at napansin kong na mula naman ang pisngi niya parang kinikilig sa sinabi ng pinsan ko sa kanya.

Napa irap at iling na lang ako dahil sinasayang lang ng pinsan ko ang oras nya para sa isang mababang nilalang.Marami na akong inireretong mga kaybigan ko sa kanya na may matataas na posisyon sa Vampire community pero halos lahat tinanggihan nya.

Catherine The Lost Vampire PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon