26 ˎˊ˗

1.6K 114 5
                                    

— IZZY's

Hindi nga umabot ng 5 minutes paglalakad ko patungo sa bahay nila Niki. Andito na ako ngayon sa may gate nila, nagdoorbell ako ng dalawang beses kasi 'yon ang sabi ni Niki.

Makalipas ang ilang minuto, may nagbukas na rin ng gate at bumungad sa 'kin ang mukha ni Niki.

"Here's your lunch box, thanks again for the food. Pakisabi na rin kay Tita Mikey na ang sarap niya pa rin maglut-" Naputol ang sasabihin ko nang may marinig akong sigaw mula sa loob.

"Niki, sino 'yan?!" Taas-kilay akong tumingin kay Niki pero nginisihan niya lang ako.

Teka, akala ko ba wala si Tita?

"Sino 'yan, Niki?" Tuluyang binuksan ni Niki ang gate para makita ako ni Tita. Ang lakas talaga mangasar. "Omg, Izzy ikaw ba 'yan?!"

Hinawakan ni Tita ang dalawang balikat ko, tiningnan ako mula ulo hanggang paa at ngumiti ng napakalawak bago ako yakapin ng mahigpit.

"Namiss kita ng sobra, ang laki mo na!" Tiningnan ko ng masama si Niki habang nakayakap kay Tita pero he just stick his tongue out.

"Where's your mom? Kumusta siya? Halika, pasok ka." Hawak-hawak ni Tita ang kamay ko habang naglalakad kami papasok sa house nila.

-

Nagkwentuhan kaming dalawa ni Tita. Pinagalitan niya pa si Niki kasi hindi niya kaagad sinabi kay Tita na andito pala kami sa Japan. Naghouse tour pa kami kasi nga new ang hauz nila pero mas bet ko pa rin yung dating bahay nila, dami naming memories ni Niki doon.

"Dito ka nalang kumain ng dinner." Sabi ni Niki, kakababa lang galing sa kwarto niya.

"Oo nga, dito ka nalang kumain!" Sigaw ni Tita Mikey mula sa kusina.

"Naku, huwag na po, wala pong kasama ni Lola sa bahay."

"Sure ka? Nagluto ako ng paborito niyong ulam ni Niki." Di pa rin talaga nagbabago si Tita, di tulad ni Niki. Choz. Tulad ng dati, nagluluto kaagad si Tita ng paborito naming pagkain ni Niki kapag nagpupunta ako sa bahay nila.

"Ito, baunin mo nalang, doon mo nalang kainin sa bahay niyo." Nakangiting sabi ni Tita tsaka pinahawak sa akin ang paper bag na may lamang ulam.

"Thank you po talaga, Tita." Nagwink lang sa akin si Tita. Ang cute niya pa rin kahit medyo tumatanda na.

"Niki, ihatid mo si Izzy sa bahay nila." Utos ni Tita kay Niki.

"Kaya na niya 'yan," Sabi ni Niki na nakaupo sa sofa habang naglalaro sa phone niya. Kaagad pinalo ni Tita ang braso niya. "Aray naman, Ma!"

"Dali na kasi, 'wag mo hayaang umuwi nang mag-isa kasi gabi na." Napakalot sa ulo si Niki at padabog na tumayo at lumapit sa akin.

"Una na po ako, Tita! Salamat po ulit!"

krdp ⌕ ִֶָ  ni-kiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon