19 ˎˊ˗

1.7K 119 3
                                    

- IZZY's

"Izzy, sama ka ba sa mall?" Yaya ni Kishi sa akin, kasama niya yung isang kaklase namin.

Tapos na pala yung klase namin for today.

"Sorry pero need ko magstudy para sa test natin next week," Need ko talaga mag-aral, kung hindi, di ko alam kung anong mangyayari sa akin. "Next time nalang siguro."

"Okay, sige. Uuwi kana? Ingat ka!"

"Kayo rin." Lumabas na sila ng room.

Dumiretso ako sa library after ko lumabas ng room. Naghanap ako ng mga libro na kailangan ko para sa test.

Umupo ako sa isang table at nagsimulang magbasa.

-

Shoot-

Hindi ko namalayan, nakatulog pala ako. Pagkagising ko, kaunti nalang ang tao. Mag-aalas sais na pala ng gabi.

Dali-dali kong ibinalik ang mga libro sa kinaroroonan kanina at inayos ang sarili bago lumabas ng library.

Before ako umuwi ng bahay, dumaan muna ako sa combini (7-eleven) para bumili ng snacks and sweets.

Malapit naman na yung bahay namin kaya naglakad nalang ako para tipid. Pero habang naglalakad ako, nararamdaman kong may nakasunod sa akin. Lumingon ako sa likod pero wala namang tao.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, pakiramdam ko may nakasunod talaga sa akin kaya lumingon ulit ako pero wala talagang tao.

Nagsimulang manlamig ang mga kamay ko..

Wala masyadong tao sa paligid kaya binilisan ko ang paglalakad. Sobrang lamig na ng kamay ko. Kinakabahan ako, baka kung anong gawin sa akin.

Di ako mapakali, kaya noong may nakita akong isang lalaking naglalakad, kinapalan ko na ang mukha ko.

"Wait!" Pero hindi niya ako pinansin. Tumakbo ako para makahabol sa lalaki.

"Kuya, wait-- Niki?"

krdp ⌕ ִֶָ  ni-kiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon