KABANATA 12

38.1K 856 17
                                    

KABANATA 12: THE INTIMATE DREAMS

It's been two days simula nang dumating sila dito sa bahay ng mag-asawang Saldez na sina Mang Dencio at Aling Ame. Hanggang ngayon kahit hindi siya sanay sa ganitong buhay ay tila madali lamang sa kanya dahil natutunan na niya ang mag-adjust sa klase ng pamumuhay sa lugar na ito. Nagtataka parin siya bakit may mga taong subrang hirap ng sitwasyon sa buhay at ginigulo pa ng mga rebelde ang kapayapaan ng isang lugar kung saan namumuhay ang mga ito ng maayos. Pagkatapos niyang makauwi sa Manila, magdo-donate siya ng housing projects sa lugar na ito. Gagawa siya ng isang livelihood projects para mga pamilyang nagsisikap upang makaraos sa hirap ng buhay.

He had seen a few families living in a riverside with their made of nipa houses nang pumunta sila Mang Dencio sa kabilang dapit. Kasing liit lamang ng isang kwarto ang mga bahay na animo pinagkakasya ng halos isang dosenang mga anak. Hindi uso ang family planning sa ganitong lugar dahil na rin sa kawalang ng edukasyon at hirap ng buhay. But they looked happy even if they belong to the poorest of the poor families.

He sighed habang pinagmamasdan ang malawak na taniman ng mga mais. Tumulong siya sa harvest ng mag-asawa. They can't leave this place until the war is over. No signals, no telephones and he cannot reach out with his family. Surely, they're worrying to death thinking where he is now. Still, sarado parin ang mga daanan pauwi.

"Do you think magtatagal pa tayo dito? Aabutin kaya tayo ng isang linggo o higit pa?" Georgia suddenly asked nang makalapit sa kinatatayuan niya. May dala itong basket na naglalaman ng prutas.

Dahil hikain ito, hindi niya ito pinatulong sa pagharvest ng mais dahil mainit. Ito ang naghahanda ng kanilang mga kakainin sa kubo. Ito ang nagluluto at nagpeprepara ng mga meryenda. She still looks fresh kahit halos buong maghapon na ito dito sa kubo, nagbabalat ng mais sa ilalim ng punongkahoy.

"I don't know." He shrugged after he stared at his entire face.

Humugot ito ng malalim na hininga at ibinaling ang atensyon sa mga taong abala sa harvesting.

"You're missing someone?" He teased. He smiled widely in her direction.

Tumaas ang kilay nito. Alam niyang magtataray na naman ito kaya isang matamis na ngiti lamang ang kanyang binitiwan. Hindi niya alam kung bakit mas lalo siyang nagagandahan sa bawat ngiti at pagtataray nito. Kaya minsan, inaasar niya ang dalaga upang lumabas ang natural cuteness nito.

"Don't tell me you don't have suitors after your break up with your cheater boyfriend." Dagdag niya sa pang-aasar.

Inirapan siya nito. "Pwede ba, baka marinig tayo nila Mang Dencio, akala pa naman nila mag-fiance tayo." Diniinan pa nito ang salitang fiancé.

"Okay, but honestly you have?" He became interested in her personal life.

"I already told you about my recent break up. Kaya wala akong time to entertain suitors. Will you please stop asking that? Nasa lugar tayo kung saan wala silang ibang alam kundi ikakasal na tayo." Pinadilatan siya nito nang makita niyang papalapit si Aling Ame.

"Meryenda na po, Aling Ame. Handa na po, nilagay ko na po sa mesa ang nilagang saging with bagoong at mainit na sikwate." Tawag nito kay Aling Ame na halatang gutom.

"Salamat, Gia. Marunong ka pala gumawa ng sikwate." Nakangiti nitong tugon nito.

"Oo naman po, tinuruan ako ng lola." Pagmamalaki ni Gia. Tinawag ni Aling Ame si Mang Dencio upang magmeryenda.

"Halika na." Hinila siya ni Gia sa hapag kainan. Hinuli niya ang kamay ng dalaga at inamoy. He kissed it, in front of the couple upang hindi nito iwaksi ang kanyang pagkakahawak. Lihim siya nitong pinandilatan but he just smiled.

Love and MemoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora