KABANATA 5

43.1K 1K 15
                                    

KABANATA 5: ESCAPED

"Give me your bag. Come on." Pabulong nitong sabi habang ang mga mata nito ay nakatoun sa mga lalaking masayang nag-uusap sa harapan. Naaaliw ang mga ito sa gadget na nakuha sa lalaki at tila abala ang mga ito sa paghahat-hati ng perang nilamas sa binata. Habang ang mga pasahero ay nag-iiyakan sa takot at pagpapanic, masayang-masaya naman ang mga armado.

Agad naman niyang ibinigay, tinago niya ito sa ilalim ng upuan nang makita niya ang mga lalaking armado kanina. Ang handbag niyang dala ay wala namang mahahalagang gamit doon kundi mga skincare at hygiene kit lamang niya. May hinahanap ito sa loob ng bag niya. Kinuha nito ang cellphone, flashlight at wallet niya at inilagay ito sa loob ng backpack. Nakatanga lamang siya sa ginagawa nito at hindi na nagreklamo pa. Hindi niya alam ang binabalak nito pero wala na din siyang panahong makipag-argue sa lalaking ito.

"You didn't bring anything here that could be use as weapon?" Mahinang tanong nito. Napaawang ang bibig niya.

"Weapons?" Wala sa sariling napailing-iling siya. Wala naman siyang paggagamitan no'n.

"I mean knife? Anything that could protect yourself." He continued asking.

"Pepper spray lang ang dala ko." Kung ang tinutukoy nitong pamprotekta niya sa mga lalaking manghaharass sa kanya.

He sighed heavily.

"What are you planning? Kakalabanin mo ang mga yan? Hindi mo sila kaya. Kita mo naman na ang dami nila at may mga baril pa." Sa mga lalaking bandido siya nakatingin habang sinasabi niya ang mga ito.

"We'll sneak out. We can't stay here with that kind of people. They are savages. They don't have mercy. They will kill us kung nakuha na nila ang gusto nila."

Nanuyo ang lalamunan niya sa sinabi nito. Syempre aware naman siya sa pwedeng mangyari. Kung wala silang gagawin ay hindi din naman matitiyak ang safety nila sa kamay ng mga bandidong ito

"How?" She asked between her restless feeling and perplexity.

"Just trust me."

After almost two hours of traveling, finally huminto na rin ang bus. Sumigaw ang isang lalaki na kailangan nilang bumababa. Kinain na din ng kadiliman ang buong palibot. Nag-uumpisa ng pumila ang mga tao para bumaba habang dumadangoyngoy sa takot. Hinila siya ng binata at sila ang pinakahuli sa pila. Natatakot siya dahil may nakatutok na baril sa kanilang likuran. Bumaba ang limang rebelde. Ang dalawa armado ay umikot muna sa buong bus, sinisiguro kung nakababa na ang lahat. Himala dahil nasa presence of mind parin siya kahit binabalot na siya takot at kaba. Mahina at taimtim siyang nagdasal.

Sinulyapan niya ang binata at seryusong seryuso ang mukha nito. Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa kamay niya at ito ang nagsisilbing motivation niya na kumalama kahit papaano. Paano kung hindi niya kasama ang lalaking ito sa pagbyahe? Tiyak na nilapa na siya ng mga kalalakihan kanina. She found hope despite her distress situation dahil sa lalaking ito who keeps comforting her in the midst of danger. Wala man itong binibigay na assurance ay alam niyang safe siyang kasama ito. Hopefully, they will get out in this place soon.

Maraming bagay at sitwasyon ang pumapasok sa isipan niya. She is in a complete turmoil dahil sa mga pangyayari. Nag-uusap ang mga ito sa kanilang lingguwahe. Tiyak na may nakakaintindi dahil ang iilan sa kanila ay umiiyak. Pinatanggal ng binata ang sout niyang shoal dahil nakakaagaw daw ng atensyon. Kaya tumambad ang natural, big, and chestnut-brown niyang buhok.

May lumabang lalaki nang halikan ng isang rebelde ang maganda nitong asawa kaya nagkagulo ang mga tao na nasa harapan.

Nagsilapitan ang mga ito sa harapan at pinagtulungan ang asawa ng babaeng hinalikan ng rebeldeng manyak. At pinagtawanan ang walang kalaban-labang lalaki na naglulupasay na sa lupa. Habang ang kawawang babae ay hysterical na umiiyak, nagmamakaawa na tigilan ang pagbugbog sa asawa nito. She was stunned for a moment.

Love and MemoriesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora