KABANATA 7

37.3K 905 9
                                    

KABANATA 7: SURVIVAL MODE

She scanned around. Maliit lamang ang espasyo at ang papag ng kubong ito. Hindi niya lubos naisip na nakatulog siya sa ganitong sitwasyon kagabi dahil sa tinamong pagod, gutom, at matinding takot. Kinuha niya ang saging saba at mahinang kumain. May naiwan pang maliit na tubig sa mineral water niyang dala kahapon. Kinuha niya ito at inubos ang laman nito. He also took the bag sa gilid ng papag kung saan ito nakasandal.

She checked her phone. May naiwan pang 30% sa battery. Buti na lang naicharge pa niya ito kahapon bago nangyari ito. Tumayo siya at humanap ng signal. Lumabas siya sa kubo at palakad-lakad na itinaas ang cellphone, naghahanap ng signal. Nanlumo siya dahil kahit anong gawin niya ay wala talagang signal kahit isang bar man lang.

She sighed.

Binaling niya ang atensyon sa palibot. Napapalibutan ang kubo ng malalaking punong kahoy. May mga iilang wild flowers within the vicinity. She saw a mango tree pero wala itong bunga. Naglakad-lakad siya sa kalapitan lamang at napangiti siya nang makakita siya ng puno ng bayabas na maraming bunga at tila hinog na ang mga ito. Hindi na siya mahihirapang umakyat dahil abot lang ng kanyang mga kamay ang sanga nito.

They called it a native guava tree dahil maliliit ito ngunit kulay pink ang sa loob nito, matamis at malambot kahit kulay berde pa ang balat. Tinanggal niya ang jacket at doon inilagay ang mga hinog na bayabas na kanyang nakuha. May nakikita pa siyang mga hinog na bayabas sa itaas pero hindi na niya magawang akyatin ito dahil sa sprain sa kanyang ankle.

Kumuha siya ng maliit na stick na kasinglaki lamang ng ballpen at inikot niya ang mahabang buhok sa itaas at doon inilagay ang stick upang huwag malaglag ang mga hibla. Naiinitan na siya sa kanyang ayos at wala pa siyang suklay. She wanted to take a bath but tila walang tubig sa lugar na ito. Umupo siya sa gilid ng bayabas at sumadal sa trunk nito. Marahan siyang kumakain ng bayabas habang tinitingnan ang kanyang cellphone. Kahit saan yata siya magpunta ay tila walang signal na mahahagilap dito. She took a few selfies bago niya ibinalik sa bulsa ng kanyang mahabang skirt.

She felt uneasy dahil hindi siya nakapagpalit ng kanyang underwear. Hindi pa naman siya sanay na hindi nakapaghugas at nakabihis ng kanyang undies.

"Hey!"

Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang baritonong boses ng binata. Napalingon siya sa gawi nito hawak ang kanyang dibdib. Siraulo talaga ang lalaking ito, basta-basta na lamang nanggugulat. She saw him walking at her. Nagmumukha itong artista at natatanaw na niya ang basa nitong damit na bumabakat sa katawan dahil sa pawis. He has that body na kinababaliwan ng mga kababaihan, except for her. Hindi katawan at kagwapuhan ang habol niya sa isang lalaki.

Kundi pag-uugali at perspective sa buhay.

But this man is interesting dahil sa kabila ng kagwapuhan at appeal nito hindi maikakailang naa-attract siya bawat galaw nito. For the very first time in her damn boring life, ngayon lang siya humanga sa isang lalaki na kahit pakiramdam niya ay walang substance ito makipag-usap ay hindi niya maiwasang mapatitig sa tuwing nahahagip ng kanyang mga mata ang natatanging kagwapuhan nito.

Pinitik nito ang mga daliri sa kanyang harapan, saka lamang siya napakurap. Saka niya na-realize na kanina pa pala siya nakatitig sa kabuuan nito. Sumilay ang pilyong ngiti sa labi nito.

"Do I look good?" May halong panunudyo nitong tanong.

"You looked like basing sisiw." She rolled her eyeballs, avoiding her eyes from him.

"Really?" Natatawang tanong nito.

"Where have you been?" She diverted the topic, ayaw niya ng ganitong mga usapan dahil nahihiya siya sa binata. It's obvious naman kasi na kanina pa siya nakatitig dito.

Love and MemoriesWhere stories live. Discover now