KABANATA 10

44.3K 1K 11
                                    

KABANATA 10: AS A COUPLE

Sitio Dalasigan, Lanao



Paalis na sana sila sa kubo nang may matanaw silang matandang lalaki na naglalakad, patungo sa kanilang kinaroroonan.

"Callix, may tao." She nudged at him. Agad namang naalarma si Servo ngunit nang makita niya ang may edad na lalaki ay nakampante ito. Mukhang ordinaryong resident lamang ito sa malapit na Barrio.

"Magandang umaga ho, Manong."

"Magandang umaga naman sayo Ineng." He replied pleasantly.

"Sa inyo po ba itong kubo? Pasensya na po at nakitulog kami nang walang paalam, naligaw po kasi kami at naghahanap ng mapaglipasan ng gabi." Nahihiya siyang humingi ng paumanhin.

"Ah ganoon ba, Ineng. Walang problema, hindi naman naming ginagamit ang kubo ito sa gabi. Pahingaan lamang ito dito sa farm. Anong maipaglilingkod ko sa inyo?" Umupo ito sa tapat nila, sa upuang kahoy.

"Ako nga po pala si Gia at itong kasama ko po si Callix."

"Magkasintahan po kami na namamasyal at hindi po nakauwi dahil sa armed conflict." Dugtong ni Servo na bahagyang ikinagulat niya. Magkasintahan? Pwede namang magkaibigan lang. Napaawang ang bibig niya sa sinabi nito. Hindi agad siya nakapagsalita at tiningnan ang binata na nasa atensyon ng kausap nila.

"Ay naku sinabi mo pa, giyera ngayon sa Padapao, may isang bus ang naambush noong nakaraang linggo sa Brgy. Mansibat." Pag-uumpisa ng kwento nito. Nagkatinginan sila ni Callix sa sinabi ng matanda. Napalunok siya at kinabahan. Yon ang bus na sinakyan nil ani Callix.

"Ako nga pala si Dencio, isa akong magsasaka sa lupaing ito. Tenants kami sa lupa ni Governor Salve—itong pitong ektarya ng maisan." Tinuro nito ang lawak ng maisan sa kapatagan. "At niyugan sa kabilang bundok pa na minsan lang naming binibisita dahil sa layo ng lugar." Dugtong nito.

"Kumusta po yong bus na na-ambush Manong?" She was trying to get some information.

"May iba na nakatakas sa deklara ng balita, siguro apat ang nakatakas. Lima ang patay ayon sa nabalita, pinagbabaril. May iba na namatay dahil sa atake ng puso o highblood sa pinagbabaan. Iniwan lamang doon ang bangkay sa gilid ng talahiban. Kawawa naman ang sinapit ng mga pasahero na walang kinalaman sa nangyayaring alitan ng pulitika at giyera. Karamihan ay ginawang hostage ng mga rebelde. Ang bus ay pinasabog nila pagkatapos isama ang mga pasahero sa kanilang kampo. Ang huling balita ko ay may nabiktima na naman silang van noong isang araw lang kaya masyadong mahigpit ang mga byahe ngayon. Wala munang pinapapasok sa Malbang-South at lahat ng daanan na pwedeng pasukin ng mga armado at may mga military na nakabantay." Pagkukuwento nito.

Nalungkot siya sa narinig. Hindi niya lubos maisip ang nasakyan niyang bus ay nauwi sa disaster ang mga kasamahan nilang pasahero. Laglag ang mga balikat niyang nakatingin sa kawalan. Parang gusto niyang maiyak pero nagpipipigil lamang siya.

Nagkaroon sila ng mahabang pag-uusap sa nagngangalang Dencio. Ikinuwento nito ang nangyayaring giyera ngayon sa kanilang lugar. Nasa labas na sila ng Malbang, Lanao. Nasa boundary sila ng armed conflict. Marami pa itong binanggit na mga barangay o barrio na sangkot ngayon sa hidwaan na hindi na siya pamilyar. Halos nakuha daw nito ang dalawang barangay ng Malbang. She was thinking about her grandmother.

"Taga-Barangay San Jose po ako ng Malbang, Manong Dencio. Hindi ko po alam kung paano makakauwi doon."

"Sa ngayon hija, nakablocked ang lahat ng daanan papuntang Malbang-South. Maraming rescue operation ang ginagawa ngayon. Nagsiliparan na din ang mga residente sa Malbang South dahil apektado ang tatlong barangay."

Love and MemoriesWhere stories live. Discover now