I. She's Mine

4.1K 32 1
                                    

[CHANDRIA LEONE]

"Manyak!" Napakalakas ng musika ngunit nangibabaw ang ginawa kong pagsigaw. Everybody stopped dancing at sa isang iglap, lahat ng mata ay nakatuon na sa akin.

"Hoy manyak daw oh." I saw a guy coming from behind of the man that I called pervert.

"Ehh totoo naman eh! Manyak yan! Kanina pa niya ako *hicks* hinihipuan!" napakalakas na ng boses ko habang nagsasalita- siguro dahil na rin ito sa impluwensiya ng alak ngunit wala akong pakialam. Masyadong masakit ang pinagdaraanan ko ngayon para magkaroon pa ng pake sa iisipin ng ibang tao.

"Hoy ang kapal naman ng mukha mo para tawagin akong manyak." reklamo ng lalaking mukhang isda.

"Ha?" ngumisi ako. "Baket? Totoo naman diba? Kanina mo pa ako hinihipuan!" dagdag ko pa habang tinuturo siya.

"Excuse me?"

"Aray naman"  pabulong kong reklamo nang may biglang sumapok sa kamay ko. Isa itong babaeng naka-curl ang buhok at nakasuot ng isang pipitsuging dress. I rolled my eyes at her. 

"How dare you call my boyfriend manyak!" my eyebrows furrowed bago ko siya tinignan from head to toe, from toe to head, from side to side. After that, I chuckled. 

"Kaya naman pala..." I couldn't stop from chuckling and grinning in between my sentence. "ang pangit pala ng girlfriend kaya naghahanap siya ng iba." I bit my lips and covered it using my right hand "Oops... sorry pasmado yata ang bibig ko ngayon." pang-aasar ko.

Kitang kita ko ang panggagalaiti sa mukha niya pagkasabi ko 'non. Kitang-kita ko rin ang ginawa niyang pagtaas ng kamay upang sampalin ako pero siyempre ready akong saluhin ang sampal na 'yon.

Ha! Sobrang gusto kong makipag-away at mag-eskandalo ngayon. Kaya bring it on!!!

I was about to catch her hand but I was surprised when a tall dark figure blocked me from doing so. May isang lalaki ang sumalo ng sampal na para sakin. Hindi ko gaanong makita ang mukha neto dahil nga nakatalikod siya sakin.

I peeped and saw a scared reaction from the girl who threw her hand at me and right before I could even open my mouth to laugh, I heard something that made my heart pound hard for an unknown reason...


"Don't. touch. her. She's mine."


Para akong biglang naging statwa sa ginawa niya at sa isang iglap ay natauhan nalang ako nang makalayo na kami sa kumpol ng mga tao.

This guy is holding my hand and dragging me to somewhere- this guy na hindi ko man lang kilala?!

"Hey! Who are you?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot.

"Hoy!" pagtawag ko ngunit hindi siya ulit sumagot at tuloy-tuloy lang sa pagkaladkad sa akin na para akong isang maleta.

I smirked. Adik yata 'tong isang 'to eh. Alam ko'ng lasing ako pero hindi naman ako kaladkaring babae!

"Ano ba?!" I grabbed my hand as hard as I could- which is effective dahil nabitawan niya ako at tumigil siya sa paglalakad. He turned, faced me and my jaw almost dropped on the floor.

How can a man be this handsome? Goodness gracious.

Agad akong umiling dahil kung ano-ano nalang ang naiisip ko. Oo gwapo siya pero hindi ibig sabihin 'non eh sasama na ako sakanya. 

But if he insists- why not naman di'ba? Hehe.

I cleared my throat. "Mind explaining things for me? Sino ka?" tanong ko sakanya. He looks so handsome but harmless at the same time.

Mister Mendrez [Y-Yes Sir]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon