VIII. Dangerous Liaison

708 14 4
                                    

 "Can I sleep with you?"

"HA?!" pasigaw kong sagot dahil sa sinabi niya.

"I mean." He parted the doors apart para makapasok siya at nang makapasok ay tsaka siya nag-explain. "Can I sleep at your unit? Ayaw ko lang talagang makasama si Cara." My eyebrows are still raised while looking at him. My face covered in confusion.

He sighed. "Nakita mo naman kung paano kaming dalawa kanina. I just want to sleep peacefully."

My brain is filled with mixed thoughts and emotions right now.

Is it okay if I let him sleep at my unit? I mean, he can sleep at the couch naman. And besides... it's not like this is the first time. I mean wala namang mangyayaring mali... so why not?

He also said na we should act casually so, okay lang siguro.

Hindi na ako sumagot pa sakaniya. I just stood there quietly and waited for the elevator to reach my floor. I guess he got the meaning of my silence dahil hindi naman na siya nangulit pa.

When the door opened, I sticked my head out para tignan kung clear ang daan from left to right.

"Anong ginagawa mo?" tanong neto mula sa loob.

"Shh! Wag kang maingay. Minsan kasi may nakikita akong students dito. Mabuti nang sigurado." Sagot ko. Nang makita kong clear na ang daanan at safe na ay bumalik ako sa loob ng elevator.

"Room 906. Mauuna ako then susunod ka. Okay?"

"Okay" he simply answered. After that, I ran patungo sa unit ko, flashed my card and waited for him.

"Bilis!" I signaled even when I saw him running already.

I left the door open, removed my shoes and put it in the rack beside the door.

"Wow." I heard him say before closing the door.

"Bakit?" tanong ko

"Ang ayos naman ng bungad ng unit mo" I raised a brow.

"Uhh hello? What do you expect ba?"

"Ugh nothing?"

"Tss"

Pumasok na ako sa loob at agad na chinarge ang phone ko sa living room. Malakas ang ulan kaya baka mag-black out mamaya. Isa pa, baka nag-aalala rin si Aries dahil minemessage ko siya ng mga ganitong oras kapag nakauwi na ako.

"Wow" rinig ko nanamang sabi ni Axel. Nakaupo siya ngayon sa couch.

"Ano ba?" tanong kong muli.

"Ang ayos din ng unit mo" I rolled my eyes while shaking my head dahil sa hindi ko siya maintindihan. Did he expected me to have a dirty unit o kaya maging burara sa gamit?

"Shocks." I murmured when I saw na walang stock ng pagkain maliban sa instant noodles.

"Bakit?" siya naman ang napatanong ngayon.

"Kumakain ka ba ng instant noodles?" ngiwing tanong ko sakaniya.

~~~~~~~~~*****~~~~~~~~~~*****~~~~~~~~~~

Pumwesto kaming dalawa sa likod ng sliding glass door sa may balcony. Well we really cannot sit there dahil medyo malakas ang ulan at mababasa lang kami.

I was silently eating my noodles as Axel roamed his eyes around my room.

"Mama mo?" tanong niya sakin. I turned my head and saw him pointing at the picture behind the sofa.

I just nodded at him before averting my gaze back to the scenery outside. Tumayo siya at kinuha ang picture. I just let him be dahil sa panahong ganito, gusto ko lang mag-relax. I placed the noodles on the mini table beside us and rested my head on my folded knees.

Mister Mendrez [Y-Yes Sir]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon