XI: Nostalgia

527 10 8
                                    

[CHANDRIA]

Ang napakabangong aroma mula sa kitchen ang gumising sakin the next day.

It was already 10 am, napasarap yata ang tulog ko dahil sa lakas ng ulan kagabi.

"Good morning sleepyhead." Aries glanced at me for a second before tossing his fried rice on air and catching it once again with the wok.

"Saan mo naman natutunan yan?" tanong ko sakaniya. I opened the fridge and grabbed yakult.

"Di ko naman to inaral. Inborn lang sakin." Umiling-iling nalang ako bago uminom ng Yakult na hawak ko

May nakalatag nang pagkain sa mesa. May sunny side up egg, corned beef at hotdog. Naupo na rin siya matapos niyang maluto yung fried rice.

"Kumain ka ng madami ha, mukhang napapabayaan mo na sarili mo eh."

"Hindi naman, ang dami ko kayang kinakaing noodles."

"Noodles lang? Anong sustansya naman makukuha mo don?"

"Hindi ko alam, pero ang mahalaga nabubusog naman ako."

"My God Ria--"

"Kung magrereklamo ka lang rin nang ganiyan, why not cook for me nalang?" I said sarcastically.

"Sure, I'll cook for you. I'll go at your unit every day for breakfast. We'll take out lunch sa sugar street dahil hindi ko naman 'yon mahaharap. Pati dinner mo, ako na rin ang bahala. I might as well stay at your unit nalang?" he answered copying my intonation.

"Ugh. Stop!" I annoyingly stated.

"Ugh. Stop!" kumunot ang noo ko and he did the same.

"You look stupid"

"You look schewpid."

I crossed my arms in front of my chest and he did the same.

I narrowed my brows and stared at him and so he did.

I smirked ginaya niya rin.

"I love you." I saw arms loosened in front of him together with his forced facial expressions.

"Ha?" tanong niya nang wala sa sarili

"Ha?" I copied him this time. "You lose! Belat!" I placed both of my hand on top of my ears at binelatan siya.

He looked at me in disbelief when he realized na I was toying with him, "Hahaha" he sarcastically laughed. "You got me." Pahabol pa niya.

"Alam ko weakness mo" sagot ko habang ngumunguya. After that, he just stared at me and we ate peacefully.

"Ano oras tayo uuwi?" tanong niya pagkatapos naming kumain.

"Hindi ko alam. Ay wait yung lights pala hahanapin ko pa."

"Nasa sasakyan na." sagot niya.

"Inayos mo na?" he nodded.

"Wow, galing ah. Pwede na kitang maging P.A"

"Pwede naman" sagot niya.

"Seryoso ka?" tanong ko.

"Oo. Pero Malaki tf ko ha."

"Magkano ba?"

"Priceless."

"Eh paano ko babayaran 'yon?"

"Pwede namang ikaw nalang." I made a quirky face dahil sa joke niyang hindi nakakatawa.

"Ano tingin mo sa'kin?"

Mister Mendrez [Y-Yes Sir]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon