V. Playing Safe [2/2]

970 12 1
                                    

Axel Mendrez

I clicked his profile immediately dahil I was kind of hoping na mai-stalk ko siya just to see what kind of person he is but to my surpise, naka-private and account niya. Pansin ko rin na puro teachers ang friend niya sa fb.

His fb looked so professional pero in real life... ibang-iba ang ugaling nakikita ko sakanya.

"Huy!" halos mabitawan ko ang phone ko nang may gumulat sakin.

"Aries!"

"Ginagawa mo?" he took a peak at my phone kaya in-off ko ito agad. Pero sa kasamaang palad ay nakita niya parin ang screen ko.

"Ini-stalk mo si Sir?" nakangisi ito habang nagtatanong.

"Hindi ah. Nagpakita lang sa timeline ko."

"Sus." he sat beside me. "Gwapo ni Sir 'no. Type mo?" tanong niya. Umiling ako.

"Wag ka nang mahiya, halos lahat ng kaklase natin kinikilig sakaniya." he handed me a take-out box from sugar street.

"Lunch" saad niya.

"Hindi ko nga siya type." giit ko. "Atsaka paano ka nakabili neto? Lumabas ka ng campus?"

"Nope. Nagpa-deliver ako."

"Bakit?" tanong ko before I opened mine. It was carbonara, ganon rin sakaniya. Ang pinagkaiba lang, walang mushrooms sakin. Alam kasi niyang ayaw ko 'non.

"Late na kasi kami natapos sa meeting sa basketball. Naisip ko rin na baka di ka pa kumakain. Di ka pa naman sanay kumain nang mag-isa." I silently watched him habang inaayos niya ang pagkain sa harap niya

Why?

Why is he acting like this again?

"Oo nga pala, may practice kami sa sabado ng umaga. Baka matapos kami ng lunch sakto mga 1 or 2 na tayo pupunta sainyo."

"Hindi pa nga ako pumapayag na samahan mo ako."

"Walang public transportation sa weekend dahil sa strike. Will you drive your car then?" tanong niya.

"Pwede naman."

"You still don't have a license"

"Then I'll get one."

"Hindi ganoon kadali." I sighed. He's being persistent so what could I possibly do?

"Ano? Pumayag ka na kasi. Atsaka namimiss ko na rin sila Tatay Teddy" our caretaker. Malapit rin kasi ang loob niya sa mga taong kasama kong lumaki. We were bestfriends so, what do you expect?

"Seems like I have no other choice naman."

"Let's use my car?" tanong niya. Umiling ako.

"No thanks."

"Bakit?"

"Ayaw ko lang."

"Mukhang nahihiya ka sakin kaya sige, gamitin nalang natin yung sasakyan mo." I rolled my eyes.

"You bet." pabulong kong sagot. We continued eating and the day went well. The class spent the whole afternoon planning while Aries stepped out once again for basketball. I don't know why he was practicing for basketball at this time but I don't want to ask either.

Ayaw kong isipin niya na may pakialam ako, ayaw kong magkaroon siya ng ibang ideya kaya wag nalang muna.

The school bell rang at 5pm as usual and we wrapped up.

I texted ate Lara na I'll fetch her para sabay kaming umuwi dahil parehas lang naman kami ng direksyon ng uuwian bago ako nag-head sa clinic but to no avail, it was locked already.

Mister Mendrez [Y-Yes Sir]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon