Chapter 28

12.5K 606 156
                                    


“Happy birthday to me ☺️🎂”

Para akong pinasabugan ng bomba sa mukha nang makita ang mga nagkalat na pictures namin ni Mars sa facebook, Instagram at Twitter. From running in Edsa, to LRT until sa De La Salle. Though karamihan ay 'best friends' caption. But i hate the fact that Mars is finally exposed to the public.

Eto ang mga bagay na kinatatakutan ko na mangyari.

But i also know na wala namang dapat sisihin dahil kahit ako ay naging careless kahapon sa sobrang excitement na makita si Mars. I should have known and think better though since I'm a celebrity——the public's interest. 

Tumunog ang pintuan. "Nike."

Wala sa loob na napatingin ako kay Gael. "Here's the sample questions." At inabot nya sakin ang papel. Nasa studio na kami for my interview and only waiting for the right time. "Nareview ko na yan and i make sure na walang tanong against your will."

Kinuha ko naman ito. "Salamat."

Naupo si Gael sa tabi ko at marahang ipinatong ang kamay sa aking hita. "Please don't think too much okay?"

Tumango ako. "Nag-aalala lang ako kay Mars. Hindi sya sanay sa ganito."

Sobrang private person ni Mars kaya naman ayaw kong gumulo ang buhay nya nang dahil sakin.

"Mars is smart, Nike." Tumayo si Gael.

"Showbiz is toxic though." Pagpopoint-out ko.

"At sa tingin mo ba hindi nya yan naisip bago sya umuwi dito sa Pilipinas at ipurse ka?" Natahimik ako sa sinabi ni Gael. "Alam ni Mars ang sitwasyon mo bilang ‘The Superstar’ Nike."

Huminga ako ng malalim. "Pero..."

"She would understand." Pagpapatuloy na pagshake ni Gael sa utak ko and I ike that. That way kasi ay natatauhan ako. I can think better. "Publicity is publicity. It's part of your job."

He is right.

"Still, I hate the fact na people on social media are feasting on Mars." I told Gael seriously.

Na ikinatawa ni Gael. "I see you there Nike." He adjusted his eyeglasses. "You are jealous."

"I am not." Pagtanggi ko sabay iwas ng tingin. "But I'm very much selfish kapag dating kay Mars, ayaw ko nang may lalapit lapit sa kanya na kung sino sino."

"Agh!" Parang mababaliw si Gael. "Crazy love!"

"Tseh." Kunwari ay pagsusungit ko pero sa totoo lang ay gusto kong matawa dahil baklang bakla ang kilusan ni Gael. "Just get me coffee."

"As of now wala pa namang nakakaalam sa totoong relasyon nyo ni Mars. Alam ng tao ay magbest friend lang kayong dalawa." Nag-inat inat si Gael, tumunog pa ang buto nya. "Kaya magrelax ka muna at may interview ka pa mamaya."

Lumabas na si Gael ng kwarto.

At medyo nakahinga na ako ng maluwag. Gumaang ang pakiramdam ko sa mga sinabi ni Gael. I see his point, I know he is right. I just need to learn to ignore.

Maya maya pa ay pinatawag na ako sa stage at inayusan ng kaonti bago mag-umpisa ang interview. Wala namang tao sa studio kundi kami lang host, mga camera men at iba pang staffs.

"Straight to the point lang ang sagot ha." Paalala ni Gael sakin habang pinupunasan ang noo ko. "Don't answer question if nagfollow up." 

"Oo, alam ko na yan." Natatawa ko na sabi.

"Para matapos agad ang interview."

Sinulyapan ko si Gael. "Nagmamadali ka ba?"

"Of course not." Umikot ang mata ni Gael. "Hindi pa kasi ako kumakain, nagugutom na ako."

Don't freak out, it's me! (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon