Chapter 23

13.4K 545 180
                                    

Hindi nasunod ang four in the morning na planong pag-alis namin ni Gael because i woke up late. Almost six na nang magising ako. Napapasarap talaga ang tulog kapag katabi ko si Mars. I mean, there was no sex last night but her presence is very comforting.

Ginising ko si Mars para magpaalam. I even tried to convince her na sumabay na samin paluwas ng Maynila pero may meeting pa sya sa zoom ng seven in the morning then saka palang sya pwedeng umuwi.

As much as i want to wait but i can't baka hindi na ako umabot sa guesting ko today.

Nagstop-over nalang kami sa isang restaurant para sa breakfast, I only got myself a coffee para magkaroon ng buhay ang dugo ko and pancakes..

"Bakit parang malungkot ka?" Pag-uusisa ni Gael habang kumakain kami.

Pero hindi ako sumagot, tahimik lang ako sa pag-inom.

Kinuha ni Gael ang tasa ng kape at maingat na tumungga. "Bakit hindi sya sumabay satin pauwi?"

He is referring to Mars.

"May meeting pa sya ngayon." Kibit balikat ko na sagot.

"Napakasipag talaga nyang si Mars ano?" Hindi maitago ni Gael ang paghanga para kay Mars. "Nagrereview na for bar exam na alam nating sobrang hirap at sinasabay nya pa ang trabaho."

"Well, she is already a bar passer sa London." Pag-eexplain ko kay Gael. "It's just that kailangan nyang makapasa sa bar exam dito satin para makapagpractice ng law. Since magkaiba ang law sa London at Pinas."

Tumango tango si Gael. "Ganon pala yon?"

Natawa ako. "She can only give a legal advise though."

"Pwedeng pwede ka palang magpatulong sa kanya about Trish." Pagmumungkahi ni Gael.

"But Hera is there naman." Sumandal ako sa upuan at napatingin sa paligid. Kami palang ang tao since maaga pa. Which is good thing. I want some space from paparazzi and fans. "Sya na ang bahalang sa pagsasampa ng kaso kay Trish."

Sa totoo lang ayaw ko sanang maalala si Trish at ang pagnanakaw na ginawa nya sakin——sa amin. Pero hindi lang din talaga maiwasang pag-usapan.

Kaya imbis na mastress ay inenjoy ko nalang ang pagkain. Masarap ang sinerve nila samin kaya nabusog ako at naging maganda ang mood.

Pakanta kanta pa ako sa sasakyan habang bumabyahe kami. 

"Ay teka Gael." May naalala ako. "Kelan magsisimula ang boylet mo?"

Sinulyapan ako ni Gael through the mirror. "Next week Nike." Halata ang saya sa boses nya dahil magkakasama na sila ng boylet nya. "Magpapaalam muna sya kay Samantha ng maayos."

Well, I like the decency of the guy.

Hindi yong bigla biglang aalis sa trabaho na walang paalam. Okay, plus point yan sakin.

"I'm pretty sure na papayag si Sam." Sagot ko bago tumingin sa bintana ng sasakyan na huminto dahil sa red light. It's only almost eight pero traffic na, napag-abutan na kami ng rush hour.

Maya maya pa ay may pumaradang isang black ducati sa tabi namin. Sobrang elegante ng itsura, mukhang milyon ang halaga. Pero ang una kong napansin ay ang driver mismo ng ducati, hubog na hubog ang balingkitan ng katawan nito sa suot nyang all black na jacket, leather pants at boots. Full helmet but I'm pretty sure na isa itong babae.

"Sa bahay sya sa bahay." Dagdag ni Gael.

Pero titig na titig lang ako sa ducati.

"Nike?" Pagtawag nya sa atensyon ko nang hindi ako naresponse. "Nakikinig ka ba?"

Don't freak out, it's me! (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon