Chapter 6

14.5K 675 125
                                    

"Thank you so much Nike." Pagbati sakin nang CEO ng isang malaking clothing line company sa bansa. Katatapos ko lang pumirma ng kontrata para sa isang commercial. "I'm really excited to work with you and our future project."

But since there's a pandemic ay nagkasya nalang kami sa ngitian. "Of course ikaw pa ba Samantha."

Actually matagal ko nang kilala si Samantha Imperial. We become friends since I started showbiz. She was the one who dressed me up especially kapag may important occasion akong dadaluhan.

"Don't call me that." She laughed bago sya tumayo.

Sumandal ako sa upuan still looking at her. "Why? You still don't like your whole name?"

Naglakad si Samantha palapit sa cabinet. "Not really." Binuksan nya ito at may kinuha. "It's just too formal, hindi bagay sa ating dalawa." Humarap sya sakin na may hawak na damit na nakabalot sa clothe dust cover. "Anyway, this is for you."

"For me?" As if hindi pa ako naniniwala habang pinagmamasdan ko ang hawak nya.

"Yes." At inabot nya ito sakin. "I personally made it for you."

Walang pag-aaksayang binuksan ko ang dust cover at inilabas ang damit na binigay sakin. Sa lambot palang ng tela ay napangiti na ako. Knowing Sam, she probably used her most expensive clothing material for this. But I'm more amazed nang makita ko ang kabuuan nito.

"Oh gosh.." I was so surprised habang pinagmamasdan ang kulay pula na high low off the shoulder lace up party dress. "Sobrang ganda.."

Naupo ulit si Sam and crosses her legs across me. This woman is beautiful, so elegant and very sophisticated. "Hey Nike." Pagpukaw nya sa atensyon ko yet I'm still looking. "If Grace was here and see you like how you look at my legs..."

Fyi, Samantha is already married with Grace. Yeah, tama ang pagkakabasa mo. Kasal sya sa isang babae which is fine. Hello, It's 21st century. Hindi na dapat nagiging issue ang kasiyahan ng ibang tao. Kung masaya sila edi let them to be happy. Sam is a wonderful person, she needs the love that she deserves. Same thing na gagawin ko for Eris.

"I'm not looking." Katwiran ko sabay irap kay Samantha with my blushed face. "May bigla lang akong naisip."

"Oh really?" Sam is one hundred percent not believing me.

"Pero ang ganda ng dress Sam." Pag-iiba ko sa topic at inabala ang atensyon ko sa gawa nyang damit. "Akin ba talaga ito?"

"Of course Nike." Nakangiti nyang sabi. "And it's free."

Napatingin ako kay Sam through my eyelashes. Knowing her kasi sobrang mahal ng mga creation nya tapos ibibigay nya lang ito sakin? "Mm are you sure? I can pay naman——"

"It's free." Pag-uulit ni Sam. "Just consider that as a gift dahil finally you are part of my team."

"Thank you." Masaya ko na sabi. "Besides napakaganda naman talaga ng mga creations mo."

"It's called passion." Nagkibit balikat sya with smile on her face.

Marami pa kaming napag-usapan ni Sam. Kaya halos nakalimutan ko na ang oras, almost six in the evening when i decided to go home. At habang naghihintay ng pagbukas ng elevator ay tinawagan ko na si Gael na susundo sakin.

Ding——

Bumukas ang elevator na may dalawang babaeng nakasakay na titig na titig sakin but i ignore them, I don't even offer a smile dahil pagod narin ako. I stood there in silent while watching the lights shifting into different numbers.

Biglang huminto ang elevator at bumukas. May pumasok na babae at tumayo sa tabi ko. I felt my phone vibrated kaya kinuha ko ito, Gael is already outside and waiting for me. Okay good dahil ayaw ko nang naghihintay.

Don't freak out, it's me! (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon