Chapter 16

12.6K 648 107
                                    

"Kumusta ang kaso ni Trish Ms. Guzman?" Tanong ko sa attorney habang nakaupo kami sa loob ng tent ko. Dito nalang kami nag-usap since wala na kaming ibang mapuntahan dahil maraming tao sa labas. Pinagbigyan ko din sya ng maiinom para hindi nakakahiya.

"Please just call me Hera." Nakangiti nitong sabi sakin sabay suklay ng mga daliri nya sa kanyang buhok. She did it a lot of times and I think mannerism nya ito. "Since wala naman tayo sa office."

Ang cool nya.

"Okay Hera." Pag-agree ko. I'm kind of relieved dahil madaling kausap ang bagong attorney ko. Karamihan kasi sa kanila medyo nakakaintimidate. "So any news about that woman?"

"There's a good and bad news though." Straight face na salita ni Hera still looking at me. I get so conscious under her stare. "Which one do you want me to tell you first?"

Gosh, para kaming may exam. Kailangan pa ng choices. 

"Good news please." I told her impatiently. Sino ba ang gustong unang marinig ang hindi kaaya-ayang balita diba?

May kinuha si Hera mula sa kandong nyang bag at inabot sakin. "She was traced and caught.."

Pero wala akong maramdamang excitement kundi galit sa taong namantala sa kabaitan ko.

Kinuha ko ang files ni Trish. I saw her mug shots, finger prints and other informations like warrant of arrest, statement nya at naming ninakawan nya. "Wait, saan sya nahuli?"

"She is at Mindoro's police station right now." Paliwanag ng attorney sakin. "But anytime soon ay ibabyahe na sya pabalik dito sa Maynila."

"Good." Bigla akong napaisip. "I want to see her."

"Pero aalis tayo diba?" Pagsabat ni Gael na nakaupo sa sofa sa likuran ko.

Napabuntong hininga nalang ako in dismay. "Oo nga pala." Sumandal ako sa upuan and crosses my legs habang nag-iisip. Titig na titig lang sakin si Hera, her eyes are very curious. "Well anytime naman ay pwede ko syang puntahan after ng 4 days photoshoot ko."

"Don't worry Nike, i will update you kapag may new information akong nalaman." Pag-aasure ni Hera sakin. "Here's my card." Inabot nya sakin ang isang business card. "And about the bad news."

Napakagat labi ako. Para kasing alam ko na kung ano ito. "What?"

"Wala na ang perang ninakaw ni Trish sayo, sa inyo."

Though i already feel it at never narin ako nag-anticipate na mababalik pa sakin ang pera ay nadismaya parin ako. Pinaghirapan ko kasi ang bawat sentimo ng perang ninakaw nya.

Biglang sumakit ang ulo ko. "I don't care about the money anymore." Hinaplos haplos ko ang noo ko. "I just want her in jail. Kailangan nyang magbayad sa pagnanakaw nya samin."

Tumango tango si Hera na seryoso ang mukha. "We will make sure about that Nike. She has a lot of criminal liabilities."

Marami pa kaming napag-usapan ni Hera regarding Trish before kami magbyahe. Sobrang thankful ako sa lahat ng legal advises nya dahil kahit mabigat sa loob na mawalan ng milyones ay sinigurado ni Hera na magkakaroon kami ng hustisya.

Hindi ko tuloy naiwasang mapaisip na what if si Mars ang attorney ko? Baka mas lalo maging madali ang lahat sakin. Kaso nga lang hindi pa sya nakakapagbar exam dito sa Pilipinas.

And speaking of her, kamusta ka na kaya sya? Gosh, halos isang araw palang sya nakakaalis pero heto ako hindi mapakali.

Since hindi ako gaano nakatulog kagabi ay nagpahinga ako sa buong byahe. Gael didn't bother or even tried to wake me up. Hinayaan nya lang ako makapagpahinga. Ngunit nagising ako dahil sa kalam ng sikmura ko....

Don't freak out, it's me! (lesbian)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon