Prologue

282 48 55
                                    

Warming The Cold Coffee
Prologue

_\̅_̅/̷̚ʾ_


BAGONG araw na naman nang pagsuot ng aking apron at pag-pin ng nameplate sa kaliwang dibdib ng aking damit. Kailangan ko nang simulan ang trabaho dahil sunod-sunod na ang mga request ng mga nag-o-order sa loob ng shop.

Mabilis kong hinablot ang dobleng hawakan na portafilter at tinungo ang coffee grinder sa hindi kalayuan ng aking kinakatayuan. Araw-araw ganito na ang aking ginagawa. Ako ang taga timpla ng kapeng iniinom ng mga taong nakapalibot sa akin dito sa loob.

Pinasak ko ang portafilter sa handle support ng grinder at mabilis na binagsak ng tatlong beses ang pingga. Dahilan para bumagsak ang napulbos na kape at napuno ang filter basket.

Umiingay na ang shop dahil sa pagdagsa ng tao. Biyernes kasi ngayon at walang pasok bukas ang mga estudyante kaya maraming tumatambay dito para magpahinga sa mga mabibigat na gawain nila sa pag-aaral. Maging ang mga empleyado ng mga katabi naming kumpanya ay dito na rin tumatambay para magkape. Pampagising nila sa nakakapagod na trabaho buong araw.

Kinuha ko ang tamper at diniin ko ito sa portafilter upang masiksik ang napulbos na kape upang maging mabilis at maayos itong mapiga ng espresso machine. Hindi madaling magtimpla ng kape. Isang pagkakamali mo lang sa pagsukat ay magbabago’t magbabago ang lasa, aroma at timpla nito. Kailangan tama ang lahat dahil kapag may kulang o sumobra hindi aayon ang lasa sa gusto mong gawin at mapapansin iyon ng mga customer na halos araw-araw nagkakape dito sa loob ng shop.

Kumuha ako ng dalawang tasa at inilagay sa expresso machine ng ma-lock ko na ang portafilter dito. Naubos ang katas ng napulbos na kape at umagos ito sa dalawang tasa.
Napatingin ang mga iilang customer sa kinaruruonan ko ng umalingasaw ang aroma ng nalutong kape. Napapikit ako sa bangong nalalanghap ng aking ilong. Para akong nakatakas sa mundo at dinala sa paraiso. Ang sarap mamahinga habang nalalanghap ang masarap na amoy ng nalutong kape.

Napabuntong hininga ako at napangiti. Kasabay ng pagdilat ng aking mga mata at mabilis na inayos ang aking ginagawa. Napansin kong halos sa akin na lahat ng attensiyon ng mga customer sa shop kaya mabilis akong tumalikod para hindi nila ako titigan. Kahit na nakatago lamang ako sa tinted glass at tanging reflection dahil sa ilaw lamang ang kanilang nakikita.

Ay iginugol ko ang aking sarili sa pagbuhos ng malamig na sterilized milk sa frothing pitchel at pinasok ang bunganga nito sa steam baffle.

Ayokong na sa akin ang attensiyon ng karamihan. Dahil ayokong iniisip na ako ang magiging laman ng pag-uusap nila. Kaya hangga't maari ay iiwas ako para sa ikakatahimik na rin ng aking sarili.

Sumirit ang ingay ng steamer at dahan-dahang nahalo ang gatas hanggang sa naging malapot ito. Binagsak ko ang pitchel ng tatlong beses sa lamesa para mawala ang bulang namuo at marahang ibinuhos sa tasa kung saan ang napigang kape ay nakalagay.

Ang gandang pagmasdan nang maghalo ang kulay kaki sa puti. Naglagay ako ng kaunting pampalasa sa kagustuhan rin ng customer. Malinamnam ang amoy ng kape kahit hindi pa ito natitikman. Marahan kong iginalaw ang aking kamay para disenyuhan ng bulaklak dahil ito ang kagustuhan ng customer.

Sumilip ang mga ngiti sa aking labi ng malagyan ko na ito ng kaunting truffle sa huling disenyo. Walang katumbas na saya kapag matagumpay ko itong nagagawa. Sumasaya ako kapag nakakatimpla ako ng kape sa simula ng trabaho. Hindi ko maipaliwanag kung bakit pero gumagaan ang aking pakiramdam.

"Ready na ba?" sambit ng isang kasamahan kong nag-aasikaso ng mga orders. Ngunit tila hindi ko ito inalintana at nabaling ang aking attensiyon sa babaeng humawi ng pintuan papasok sa shop. Dahilan para tumunog ang maliit na kampanang nakasabit sa itaas ng pinto.

"Ano, ready na ba!?" Sigaw nito sa maliit na siwang ng tinted glass. At napakunot noo itong tiningnan ako.

"Ah! Oo, Vex."

_\̅_̅/̷̚ʾ_

WARMING THE COLD COFFEE
rainpaintsrainbow

Warming The Cold Coffeeजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें